LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 22NATHALIA
Nandito kami ngayon sa loob ng tent na nakuha namin mula sa store rito sa 1st floor.
Ibinalot ko kay Aze ang kumot na hiningi ko pa mula kay Kelra kanina, atsaka kinuha ang thermometer na nilagay ko sa kilikili niya nang tumunog ito.
38.9 ang nakalagay na resulta nang makuha ko ito.
"Tsk," mahina kong usal.
Bakit ba ang titigas ng ulo ng mga to? Sila Saturn maiintindihan ko pa, pero si Aze?
Nakakainis.
"S-sorry." pilit nitong saad.
Hindi ko pinansin ang pagsosorry niya.
Nakakainis kasi, sinabi ko na kanina na sabihin sakin kung hindi siya maayos dahil mukhang hindi maganda ang pakiramdam nito.
Pero ano? Hinintay niya pang tumaas ang lagnat niya.
"Magpahinga kana muna. Gigisingin kita pag kakain na." seryoso kong saad dito at ibinaligtad ang basang panyo na ipinatong ko sa kanyang noo.
"Thalia—"
Pinutol ko ang sasabihin nito at seryosong tumingin sa mga mata niya.
"Please lang, Aze. Huwag mo nang tigasan pa ang ulo mo. Take a rest."
Hindi naman na siya umalma, at sinunod nalang ang sinabi ko.
Nang mapansin ko na nakatulog na siya ay nagpasya na muna akong lumabas ng tent upang makapagpahinga siya nang maayos.
"May lagnat?" bungad ni Sac nang makalabas ako sa tent.
"38.9" yun na lamang ang naisagot ko.
Halata naman sa boses ko na nag aalala ako para kay Aze.
Sino ba naman kasing hindi? Tapos nasa ganitong sitwasyon pa kami.
"Uy, nag aalala." panunukso ni Owen na nasa tabi na pala ni Sac.
Pinandilatan ko naman ito ng mata na nagpatahimik sa kanya.
"Nasaan sila Yahiko?" pag-iiba ko ng usapan.
Hindi ko kasi napansin ang mga ito mula kanina pa. Kung saan saan na naman siguro pumunta.
"Ewan, nandyan lang yun kanina." sagot ni Owen.
"Ako na muna bahala mag bantay rito kay Aze," prisinta ni Sac.
"Mukhang kailangan nila ng tulong don e." dagdag na saad pa nito at nginuso sila Brian.
Napailing ako sa nasasaksihan ko ngayon. Pinagpapasahan kasi nila ang mga tsitsirya.
Oras na ng hapunan, anong ginagawa ng mga ito?
"Ano yan?" takang tanong ko kila Kelra nang makalapit ako.
"Hapunan." simpleng sagot nito.
Inabot niya naman ang hawak niyang tsitsirya sa iba pa, at muling kumuha sa box na hawak ni Brian.
Hapunan? Seryoso ba 'to?
"Seryoso ba yan?" ngiwing tanong ni Owen mula sa tabi ko.
"Oo, kumakain na nga si Saturn oh." sabay turo ni Kelra kay Saturn na katabi ni Dione na nakikipag agawan rito ng tsitsirya.
Kahit ano naman kinakain niyan. Baka nga hindi pa alam niyan na pang hapunan niya na pala yang kinakain niyang tsitsirya.
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa kanila.
Hapunan? Tsisirya? Wala bang supply ng pagkain sa mall na ito? Imposible ata yun.
"Pasensya na. Wala kasing marunong magluto sa amin e." kamot batok na saad ni Enzo na kakarating lang.
"Kahit sa dalawang babae na kasama niyo, ni isa walang marunong magluto?" tanong ko na agad naman inilingan nito.
So wala nga.
"Okay. I'll cook." presinta ko na nagpabuhay sa dugo nila.
AGAD akong nagsimula magluto nang makahanap kami ng isang stall na may sariling tanke at lutuan, buti nalang may gas pa iyon at gumagana.
Sopas nalang ang niluto ko, para naman mabusog kaming lahat, at makakain si Aze ng mainit init.
Meron naman palang mga stock ng mga gulay at iba pang pagkain dito, kasama na ron ang mineral water na ginamit kong pang sabaw.
Ang problema nga lang, ay hindi pala marunong magluto ang mga ito kaya panay tsitsirya nalang ang kinakain.
"Ang bango!" masayang saad ni Saturn habang pinapanood ang niluluto ko.
"Finally! Makakakain na rin ulit ng totoong pagkain." saad naman ni Brian.
"What's that?" tanong ni Gio na kakarating lang kasama ang girlfriend nito.
Napalunok pa ito dahil sa amoy ng niluluto ko. Mukhang ngayon nga lang talaga sila makakakain ulit ng totoong pagkain.
"Sopas. Buti nalang may marunong na magluto." sagot ni Brian.
Hindi ko alam kung sadyang nagpaparinig ba ito o hindi, napansin ko lang na napairap ang girlfriend ni Gio dahil sa sinabi nito.
Pagkatapos kong maluto ang sopas ay hinati ko lang ito ng pantay para sa aming lahat.
Huli akong nagsandok ng para sa aming tatlo nila Sac at Aze, at nilagay ko na iyon sa tray na nakita ko kanina.
Nilapag ko ang tray malapit kay Sac na nasa labas ng tent at naghihintay.
"Ako na riyan. Kumain kana." saad ko nang makalapit.
"Sige, salamat Thal." aniya at kinuha ang inabot kong sopas.
Dinala ko na ang tray sa loob ng tent para pakainin na si Aze. Sana naman bumaba na ang lagnat nito.
"Aze. Wake up, kumain kana para makainom ka ng gamot." saad ko rito sabay tapik upang magising.
Onti-onti naman siyang nagdilat ng mata nang maramdaman ang pang gigising ko sa kanya.
Kinuha ko muna ang bimpo sa noo niya at nilagay ito sa maliit na planggana na may lamang tubig.
"Umupo ka muna," saad ko sa kanya at inalalayan siyang umupo.
Inuna ko muna siyang pakainin ng pagkain niya para makainom na ng gamot. Pwede naman kasi akong kumain pag tapos niya.
Nang matapos ko siyang pakainin ay pinagpahinga ko lang muna ito saglit bago painumin ng gamot at muling pahigain.
Nang makahiga na ito ay kinuha kona ulit ang bimpo sa maliit na planggana.
Sinapo ko muna ang noo niya bago ilagay ang bimpo, pero bago ko pa mailagay yun ay bigla nalang hinawakan ni Aze ang braso ko.
"Bakit?"
"T-thankyou."

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|