LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 11ISAAC
Siraulong Yahiko tawanan ba naman daw ako matapos akong masabunutan ng zombie.
Pero ang sakit talaga. Nakakainis, parang mas masakit pa ata masabunutan kaysa makagat.
"I noticed earlier, when there was a zombie near you and Yahiko, it didn't even react when you stabbed it in the stomach."
Napatikhim ako sa sinabi ni Aze.
Iyon din ang napansin namin ni Yahiko kanina.
Tumango ako habang naka tingin sa daan na tinatahak namin.
"Yun din ang napansin ko." pagsang ayon ko sa kanya.
"So anong gagawin natin?" biglang tanong ni Owen sa likuran ko.
Bakas ang kaba sa boses niya.
"I think as of now tama lang ang desisyon natin na pumunta sa hideout. Since marami tayong supplies don, hindi lang food. Mga possible weapons din." seryosong saad din ni Thalia.
"And we'll figure out our next plan when we get to the hideout." sambit pa ni Aze.
"Uy guys! May internet pa," biglang saad ni Yahiko.
"Makapag post nga sa facebook." ani pa niya.
Kinapa ko naman ang bulsa ko at kinuha ang phone ko nang makapa ito, buti naman maayos pa to at hindi nabasag o kung ano habang nasa bulsa ko.
Agad kong chineck kung totoo nga ba yung sinasabi ni Yahiko, at totoo nga.
Bumungad pa yung post ni Yahiko pag kaopen ko ng facebook.
'Lahat ng magiging zombie panget'
Napailing nalang ako nang makita ang pinost nito. Puro kalokohan.
"Saturn, kaya mo bang i-hack yung satellite?" baling ko kay Saturn na nasa likuran.
Sa totoo lang, IT expert si Saturn. Matalino siya sa mga ganitong bagay, at magaling mang hack.
"Oo naman, basta sa hideout." aniya.
Tinutukoy niya ang importanteng mga gamit niya na naroon.
Alam ko na alam niya na ang dapat gawin once na makarating kami sa hideout kaya hindi na ako nag abala pang sabihan siya.
Sinubukan ko pa muna na tumawag sa emergency contact, pero wala namang sumasagot, kaya hinayaan ko na.
Balak ko na sanang i-off ang phone ko nang may lumabas na naman na bagong post ni Yahiko sa facebook.
'Taragis na yan sinabunutan ng zombie si Isaac! Utas talaga e, kawawa sayo lods!'
Agad naman akong lumingon dito, humahagikgik pa ito habang nakatingin sa cellphone niya.
"Malapit na tayo." saad ni Aze.
Malapit na sana kami kung nasaan ang garahe ng hideout namin nang bigla nalang kaming may marinig na isang babae.
"Tulong!" sigaw nito sapat na para marinig namin.
Kaso sobrang sensitive ng mga zombie sa sound kaya pati ang mga ito ay nag react din.
"Ggrrrr!" angil ng mga zombie.
"Saan galing yun?" tanong ni Thalia.
YAHIKO
"Saan galing yun?" takang tanong ni Thalia, hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya.
Niliko ni Aze ang sasakyan bandang pakanan at inihinto malapit sa basurahan ang kotse.
Ito naba ang hideout namin ngayon?
Bigla nalang bumaba si Sac nang sensyasan ito ni Aze.
"Hoy Sac!" mahinang suway ni Owen.
Hindi siya pinansin nito dahil mukhang hindi siya narinig, kaya sinundan niya nalang. Baka kasi marinig pa siya ng zombie kung lalakasan pa niya ang boses niya, may mga zombie kasi rito sa di kalayuan.
"Sinong nariyan?" mahinang tanong ni Sac nang makalapit sa malaking basurahan.
Sumunod na rin ako sa kanila. Sino ba kasing hinahanap nila? Si swiper?
"Hello?" ani ni Owen na sinagot ko naman ng, "Hi?"
Lumingon ito sa akin at sinamaan ako ng tingin. Ngumiti naman ako sa kanya at nag peace sign.
"May tao ba riyan?" ulit na tanong ni Sac.
Muntik nang tumalon ang balunbalunan, apdo at atay namin nang bigla nalang bumukas yung malaking basurahan.
"Kinginangyan." mura ko.
Akala ko zombie na. Mukhang zombie lang pala.
Agad na itinutok ni Sac at Owen ang hawak nilang weapon na kinuha pa namin sa school kanina.
Shit! Ako lang pala ang walang dala, e pano nalang pala kung zombie ang mga yan? Edi nakagat pala ako ng walang kalaban laban.
Kainis naman oh!
Dami kong makakalimutan weapon pa talaga, edi napahiya pako sa post ko sa facebook niyan kung maging zombie ako.
"Hindi kami zombie!" anas agad ng isang babae na tingin ko ay kaedad lang ni Saturn.
Nakataas pa ang kamay nito na tila ba parang sumusuko sa mga pulis.
"Please help us," aniya.
"And my cousin." dugtong pa niya.
Ha? Nag hahallucinate na ata ang isang to dahil sa baho ng nasingot na basura sa basurahan kung nasaan sila.
Wala naman kami nakikitang kasama niya e, siya lang naman ang nandun na nakatayo.
Napansin niya siguro ang pagtataka namin.
"Cousin?" takang tanong ni Owen.
"Ay oo, sorry. Eto siya." ani niya at animoy kumuha ng basura mula sa kinaroroonan niyang basurahan.
Inangat niya ang isang tulog na lalaki, at pareho silang mukhang madungis.
Mukhang tulog pa yung lalaki o nagtutulog tulugan pa ata, hindi ko alam sa itsura niya, wow ha sana all nakakatulog pa sa ganitong lagay.
Agad na pumunta si Sac at Owen sa kanila para tulungan silang bumaba.
At ako naman dito lang, ambaho e, ako nalang magbabantay sa kanila.

BINABASA MO ANG
Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)
Teen Fiction"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING|