抖阴社区

CHAPTER 42

143 6 0
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 42

YAHIKO

"Gising kana," rinig kong saad ni Axel na nasa tabi ko.

Agad agad akong nag tulog tulugan at humilik nang maramdaman kong nakatitig ito sakin. Bakit ba nasa tabi ko 'to?

"Alam kong gising ka," bahagya akong tumagilid at ngayon ay nakatalikod na ako sa kanya.

Dahan dahan kong binuksan ang isang mata ko at nagulat sa nakikita ko.

Puta! Ganito naba ako ka gutom na gutom? Nakakakita na ako ng dalawang delata sa harap ko.

"Totoo yan." saad nito na para bang nabasa ang nasa isip ko.

Bumangon ako at kinusot ang mata ko bago tumingin kung nasaan ang delata, at hindi iyon nawala.

Kinuha ko agad iyon at at halos mapaiyak ako dahil sa wakas! Magkakalaman na rin tong punyetang tiyan ko.

"Saan to galing?" agad kong baling dito nang mabuksan ko ang isang delata na easy open can.

"Sa 3rd floor," aniya pero hindi ko pinansin at sunod sunod lang ang pagkain sa delata.

"Dahan dahan lang baka mabilaukan ka."

Agad ko itong nilingunan bago ibalik ang atensyon sa kinakain kong delata. "Ano kala mo sakin tanga?"

Peste hindi ko alam kung bakit ganito, parang napakasarap ng delata na 'to, wala pang dalawang minuto mauubos ko na agad to— agad akong napatigil sa pagkain nang mahirinan ako.

Punyeta delata nalang mabibilaukan pa.

"Sabi sayo dahan dahan lang," saad nito at inabutan ako ng isang mineral water na maliit. "Wala naman kasing aagaw."

"Ano to? Hanggang lalamunan ko lang to eh." tukoy ko sa mineral water nang makainom ako.

"Pwede mag thankyou ka nalang?" inis na saad niya at bahagyang pinag krus ang braso niya na parang nagtatampo, sabay tingin sa ibang direksyon.

Binuksan ko ang isa pang delata na binigay niya at baghayang tumikhim.

"Thank you."

"Ano? Hindi ko narinig." saad nito nang lumingon sakin.

"T-thank you." bulong ko sapat na para marinig niya.

"Pakiulit. Hindi ko narinig—"

"Punyeta!" saad ko rito at kinain na ang kakabukas ko lang na delata.

Narinig ko pa ang mahinang pag tawa niya.

Punyeta siya, alam ko namang narinig niya ang sinabi ko, gusto lang talaga ipaulit.

"Okay kana?"

Umakyat ang tingin ko kay Thalia na kasunuran ang iba pa.

"Okay na, na lowbat lang."

Inubos ko na ang pagkain ko at ininom ang natitirang tubig.

"Akala ko namatay kana sa gutom eh, muntik na tuloy maging literal ang patay gutom." biro ni Dione.

Kung kanina ay matamlay ito ngayon ay parang bumalik na ulit siya sa dati.

"Ulol!"

"Paano nga pala tayo masusundo ng Lolo Dad ni Saturn?" pag iiba ng usapan ni Sac.

Lahat kami ay nakatingin ngayon sa kanya, hanggang sa lumipat ang tingin namin kay Gio.

"May rooftop dito," saad nito. "Kaso nasa 5th floor pa ang daan. Wala sa emergency exit."

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon