抖阴社区

CHAPTER 13

270 12 13
                                    

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 13

YAHIKO

Kingina ang baho!

Akay-akay ko ngayon ang lalaking 'to papunta sa pinakamalapit na banyo kung saan siya nakahiga kanina.

"Tsk," usal ko.

Tinulungan ko siya hanggang sa maiupo ko siya sa bathtub.

Puta na 'yan! Imbis na mabango na ako, maglilinis na naman tuloy ako ng katawan.

"Ayan! Baka naman pwedeng ikaw na maglinis sa sarili mo. Aba, kaya mo na 'yan. Dinala na nga kita rito, baka gusto mo ako pa maglinis sayo!" singhal ko sa kanya.

Mukhang wala pa siyang lakas na magsalita, kaya naman napangisi ako.

"Bakit ba naman kasi sa basurahan pa kayo nagtago e! Mukhang tae kana nga gusto mo amoy tae kapa," anas ko pa sa kanya habang hinahanda ang damit na susuotin niya.

Ibinaling ko saglit sa kanya ang aking tingin, at sa itsura nito mukhang gusto niya rin ako sagut sagutin, pero wala siyang magawa.

"Tapos nagkasugat kapa, ayan tuloy dika makatayo. Wag kasi tatanga-tanga," sabay lapit sa kanya ng mga inihanda ko para makuha niya agad pag tapos niya linisin ang sarili niya.

"Tignan mo ako pa tuloy nautusan ni Thalia, imbis na mabango na ako at dinako maglilinis ng katawan punye—"

Napatigil ako sa pagbubunganga sa isang 'to nang bigla sumulpot si Thalia na nakahawak sa ilong.

"Kumain kana ron." aniya.

Napasimangot naman ako sa sinabi nito.

Kainis! Imbis kasi nakakain nalang ako mapapalinis pa ng katawan.

"Ayaw mo? Okay wag n—" bago pa matuloy ang sasabihin niya ay agad agad na akong lumabas.

Paglabas ay nakasalubong ko si Sac na agad na napatakip ng ilong.

"Muntik na bumango." sarkastikong saad niya.

Tangina neto!

Dumiretso na siya kung nasaan si Thalia. Buwiset siya, kung ikulong ko kaya sila ron kasama nung lalaking yon.

Kakain nga muna ako, bago mag linis ng katawan, para maaga akong makatulog ngayon.

NAPABALIKWAS ako nang makarinig ako ng putukan ng baril.

"Putangina! May kalaban!" sigaw ko at napabangon sa kinahihigaan ko.

Napalingon ako nang marinig ko ang tumatawang si Dione.

"Bruha!" ani ko rito nang mahimasmasan.

Nag peace sign naman siya sakin sabay ngiti. "Goodmorning." aniya.

Pero agad ko namang binalingan ang isang gunggong na naglalaro na naman ng games niya naka naka full volume.

"Hoy gunggong! Hinaan mo nga 'yan, kita mong may natutulog e." inis kong anas.

"Breakfast is ready!" anang ni Thalia mula sa kusina.

At siya namang bilis na pagkawala ng ingay ng online games na nilalaro ni Saturn.

Aba puta yun ah, nakarinig lang ng pagkain.

Sumunod na kaming lahat sa kusina. Maliban nalang dun sa lalaking kasama ni Dione, mukha kasing nagpapahinga pa.

"Dione, kamusta si Axel?" paninimula ni Owen.

"Ayun pangit pa rin." sagot niya na ikinatawa ko, mukhang makakasundo ko ang bruha na 'to ah.

"Sira. Kamusta na nga? Okay na ba?" tanong ulit ni Owen at tiningnan ako ng masama dahil sa pagtawa ko.

"Joke, pero oo okay na rin, bumaba na yung lagnat niya." maayos na sagot ni Dione.

"Tawagin mo nalang ako mamaya pag papalitan na ang benda niya." saad naman ni Thalia na ikinatango ni Dione.

"Bro, okay ka naba?" biglaang saad ni Sac. Napatingin naman kami sa kausap nito.

Sino paba? Edi walang iba kundi yung mabahong pinsan ni Dione.

"Yeah." sagot niya at iika ikang lumakad patungo samin.

Ngayon lang namin narinig ang boses niya. At okay naman. Boses tao naman.

Atsaka paano ba naman, hindi makapagsalita dahil sa sugat niya, tatanga tanga kasi e.

Yan tuloy.

Pagkaupo nito ay naramdaman ko ang pag tingin nito sakin.

Tinignan ko naman siya pabalik, at tangina! Tinarayan naman ako ng puta. Dukutin ko mata niya eh!

"Kumain kana at para bumalik yang lakas mo. Mamaya papalitan ko na yang benda mo." seryosong saad ni Thalia.

Hindi naman siya umimik at tumango nalang, kaya nagsimula na rin kami kumain, may aasikasuhin pa kasi kami pag tapos nito.

NAPAKAMOT ako sa ulo dahil sa sinabi ni Saturn.

"Wala talaga eh." aniya, bakas sa boses nito ang lungkot.

Tinutukoy niya kasi yung tungkol sa pag sagap namin ng signal sa matataas na opisyal o sa air force, o sa kung ano mang pwedeng tumulong samin.

Tumikhim si Thalia bago mag salita. "Sige na, magpahinga kana muna ron." aniya kay Saturn.

Kanina pa kasi siya babad sa internet, actually pareho sila ni Aze dahil sila ang may alam sa mga hack hack na yan.

Ramdam ko ang bawat bugtong ng hininga ng bawat isa sa amin.

Nakakainis! Ano palang silbi at nakakakonekta pa kami sa satellite at internet? Tsk.

Hindi ko na talaga alam kung ano na ang mangyayari samin sa mga susunod na bukas.

DIONE

Buti nalang talaga at nakita ko ang kotse nila.

At laking papasalamat ko rin na tinulungan nila kami.

Hindi ko na talaga alam kung saan kami pupulutin ng pinsang kong si Axel, lalo na nasa ganung sitwasyon pa siya.

"Pano mo naging pinsan ang mabahong yan? Kasi pareho kayong panget?" saad ni Yahiko at ininom ang yakult na hawak niya.

Natatawa talaga ako sa isang 'to. Kahit ganyan siya ay pakiramdam ko naman mabait talaga siya.

Nandito kami ngayon nakaupo sa kusina, tanaw namin ang living room kung nasaan ang pinsan ko at mga kaibigan ni Yahiko.

Teka, kaninong bahay kaya to? Sa magulang ng isa sa kanila?

"Kaninong bahay ba 'to?" pag iiba ko ng usapan, medyo namangha kasi ako.

Parang sakto lang sa anim na tao, tapos parang may kanya kanyang space pa.

"Hideout namin to." diretsa niyang sagot.

Napa 'ah' nalang ako sa sagot niya.

Kahit ang totoo namamangha talaga ako. Lalo na't nalaman ko na hideout pala nila 'to.

Nagkwentuhan pa kami ni Yahiko, kahit minsan puro kagaguhan ang sinasagot niya sa sakin ay nag-eenjoy akong kasama siya.

Nakakatawa kasi siyang kasama, pati na rin ang mga kaibigan niya.

Feeling ko nalilimutan ko ang nangyayari sa bansa namin ngayon, dahil sa kanila, sa totoo lang kahit mabigat ang nangyayari ngayon parang napapagaan nila kahit papaano ang mga bagay bagay.

Bakit ba kasi nangyari 'to? Ano bang nangyayari sa pilipinas?

Sana naman maging ayos na ang lahat, at bumalik na sa dati. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan kami mabubuhay kung magtatagal pa ito, hays.

Last Generation: Zombie Apocalypse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon