抖阴社区

Chapter 3

0 0 0
                                    

May mga lugar sa school na hindi ko talaga pinapansin noon.

Ang library, for example.

Hindi naman sa ayokong magbasa. Pero para sa’kin, laging may something sa library na parang ang bigat ng hangin—parang tahimik nga pero punong-puno ng ingay na hindi mo lang maririnig.

Kaya kung hindi required, hindi ako tumatambay doon.

But that day, something led me there.

Hindi ko na maalala kung ano ‘yung exact reason—siguro dahil hindi ko nai-print ‘yung output ko sa Research, or maybe dahil gusto ko lang ng tahimik na lugar away from my noisy classroom. Basta, one random Tuesday, napadpad ako sa library, dalang-dala ang mood na "I-just-want-silence."

Hindi ko alam na doon ko siya muling makikita.

**

Tahimik ang buong library. May tatlong study tables na occupied, karamihan naka-headphones at focused. Lumapit ako sa isang bakanteng table near the back shelves, malapit sa window. Dun sa dulo kung saan bihirang may tao.

Nag-settle ako, nilabas ang laptop, notes, highlighter. Pinilit kong i-block out lahat ng iniisip ko. No overthinking. No random flash of someone’s eyes locking with mine. Just focus.

Pero habang nagta-type ako ng conclusion para sa isang report, napansin ko ‘yung presence sa peripheral vision ko. May dumaan.

Maingat. Tahimik. Pero noticeable.

Nilingon ko ng bahagya, just to check.

At nakita ko siya.

Siya na naman.

Rhyler.

**

He was scanning books. Nakasuot siya ng simple black hoodie, sleeves pulled halfway sa braso niya, and his hair was slightly messy in a way that didn’t look messy at all.

Hindi siya agad tumingin sa direksyon ko, pero alam kong alam niyang nandoon ako.

Nakatayo siya sa shelf opposite mine. Ilang feet lang ang pagitan. And then, he pulled out a book—Physics. Binuklat, tiningnan, pero hindi masyadong interesado. Parang wala sa intensyon niyang basahin talaga.

Parang may inaantay.

O may tinitingnan.

I looked away first.

Hindi ako pwedeng mag-assume. Hindi ako pwedeng kiligin. Hindi ako pwedeng mapikon sa sarili ko for feeling something every time I see him.

Pero hindi ko mapigilan ang tanong sa isip ko.

Bakit palagi na lang kaming magkasalubong sa mga lugar na bihira kong puntahan?

I tried to ignore him. Sinubukan ko. Nagbasa ako ulit. Nag-type. I even fixed my notes kahit hindi naman sila magulo.

Pero after ilang minuto, I felt it again—that lingering, quiet gaze.

At this point, I wasn’t sure if it was me imagining things or if there was really something happening between our silences.

Muli akong tumingin.

This time, naabutan ko siyang nakatingin nga. Hindi nagmadaling umiwas. Hindi rin ngumiti.

Nagtagal ng mga dalawang segundo ang tinginan namin. At sa dalawang segundong ‘yon, parang may binuong tanong ang hangin.

Hindi siya awkward. Hindi rin creepy.

Just curious. Calm.

At para bang sinabi ng tingin niya:

Alam mong nakita kita, ‘di ba?

Hindi ko siya kinibo. I packed up my things slowly. Tinapos ang laman ng water bottle ko kahit hindi naman ako uhaw.

Tumayo ako, kinuha ang phone, and as I turned to leave, nakita ko na tumayo na rin siya.

Hindi kami sabay lumakad, pero naglakad kami sa iisang direksyon.

Sa hallway ng library, sa gitna ng mga lumang encyclopedias at medical textbooks, kami lang dalawa ang naroon.

I walked a bit faster. Ayokong isipin na sinusundan niya ako. Ayokong isipin na may meaning ito. Ayokong isipin na destiny or some ridiculous cosmic thing.

Pero sa mismong pagliko ko palabas ng library, narinig ko ang tahimik na paglapag ng isang libro sa return bin.

Physics.

‘Yung libro na hawak niya kanina.

Nag-iwan siya ng marka.

Hindi ko alam kung sinadya niya. O kung ako lang talaga ang nagkakaganito.

But something about that simple exchange—those fleeting glances, the calm, unreadable expression—left me with a question I didn’t want to answer yet.

Does he know what he’s doing to me?

**

Pagbalik ko sa room, tinanong agad ako ni Caleb, isa sa mga kaklase kong madaldal.

“O, Eli, saan ka galing? Tagal mo ah. Nag-novela ka sa library?”

I smiled a little. “Nag-review lang.”

“Sure ka? O baka may na-meet ka na doon?” pang-aasar niya.

I shook my head. “Wala. Wala akong na-meet.”

Pero may nakita ako.

And I wasn’t sure… if that was better or worse.

**

After class, I saw him again across the school court. This time, he was with two guys I didn’t know. Mukha silang close, pero unlike him, ‘yung mga kasama niya ay mas relaxed, mas expressive.

Siya?

Still quiet. Still watching the world as if he was just passing through.

I didn’t look at him long. I forced myself to walk past and look away.

But even as I did… I couldn’t shake off the feeling.

Like maybe…

Someone was still watching.

Strings of FateWhere stories live. Discover now