抖阴社区

Chapter 68

0 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin ’yon. Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin habang bitbit ko ang thermal mug ng kape at notes ko papunta sa hallway ng STEM building: kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko pa rin siyang subukang abutin. Kahit pa ako na lang ang paulit-ulit na sumusubok.

Third floor. Doon siya madalas dumaan after ng elective nila. 10:05 pa lang, kaya may ilang minuto pa bago mag-dismiss.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin ng CR bago ako umakyat—bagsak ang mata, mukhang pagod, pero ayos lang. Aayusin ko pa rin ’to. Kasi importante siya.

Kasi mahal ko siya.

Pagkaakyat ko sa hallway, agad kong napansin ang familiar na backpack niya. Nakatalikod siya, kausap ang isa sa mga kaklase niya. Sa tabi niya—of course—si Raine na naman. Nakakunot noo ako, pero pinilit kong kumalma. Hindi ngayon ang oras para mauna na naman ako sa emosyon.

Nakahinga ako ng malalim bago lumapit.

"Rhy."

Isang iglap lang. Nilingon niya ako.

May ilang segundo na hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako—blanko. Walang ngiti. Wala ‘yong dati niyang reaction kapag nakita niya ako. Wala ‘yong “hey, love” na pabulong habang sinasalubong ako.

“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko, halos pabulong.

Napatingin si Raine sa’kin. Hindi siya umalis. Nag-stay siya sa tabi ni Rhyler.

“Busy pa ako, Eli. Mamaya na lang,” he said, almost automatic.

“Mamaya kailan?” tanong ko. “Gusto ko lang makausap ka kahit five minutes.”

“After class,” sabay iwas ng tingin niya. “Promise.”

Tumango ako. Pero kahit 'yong simpleng ‘okay’ ko, ramdam kong pilit.

Tumingin ako kay Raine. Sa dami ng beses na pinigilan ko ang sarili kong magselos, ito na yata ‘yong araw na hindi ko na maitatago.

Pero umalis ako. Tahimik. Hindi ko na hinintay na magbago ang isip niya.

---

Habang pauwi ako after ng next subject, dumaan ako sa hallway ulit. Doon, sa dulo—nakita ko sila. Si Rhyler, naka-sandal sa pader. Si Raine, nakaharap sa kanya, hawak ang phone. Nag-uusap. Nagtatawanan.

Mula sa distansya, hindi ko naririnig ang sinasabi nila. Pero ramdam ko na parang mas relaxed siya kapag kasama niya si Raine. Parang mas madalas siyang ngumiti kapag hindi ako ang kaharap.

Hindi na ako lumapit.

Hindi na ako nagsalita.

Dumaan ako sa kabilang hagdan.

---

Pagkatapos ng klase, nagmadali akong lumabas. Sinadya ko talagang mauna sa paglabas, para maabutan siya sa may gate.

At andun nga siya. Mag-isa. Naglalakad papunta sa parking.

Muli akong lumapit. Isa pa.

“Rhy.”

Huminto siya. Hindi siya agad tumingin. Pero nung napansin niyang ako ‘yon, tumitig siya saglit. Cold. Distant. Iba na.

“Gusto ko lang ayusin kung anong meron sa’tin. Ayokong palipasin ulit ‘to.”

“Wala namang inaayos, Eli.”

“Oo, kasi hindi mo nararamdaman. Pero ako? Ramdam ko na malayo ka na.”

Hindi siya kumibo. Nilingon niya lang ako, pero nanatili siyang tahimik.

“Kung may problema, sabihin mo. Kung pagod ka, sabihin mo. Wag mo akong gawing tagahabol. Ako rin nasasaktan, Rhyler.”

You've reached the end of published parts.

? Last updated: 20 hours ago ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Strings of FateWhere stories live. Discover now