Pagkarating namin sa school that Monday, everything looked exactly the same—yung gate, yung mga estudyanteng nagmamadali, yung guard na nakakunot noo. Pero ako?
I wasn’t the same anymore.
Bumaba ako ng kotse ni Jace sa harap ng drop-off, gaya ng dati. Pero unlike before, may mga bag akong hawak na hindi akin—mga dala pa from Halayhay, mga pasalubong ni Mama para kina Atasha at iba ko pang friends.
“Text me kapag tapos na classes mo,” sabi ni Jace habang kinukuha ‘yung isa sa mga bag sa likod.
“Hindi mo naman kailangan—”
“Gusto ko,” he said, dead serious, pero kalmado pa rin ‘yung tono. “‘Tsaka diba sabi mo may quiz ka sa stat? I’ll pick you up para makapag-review ka habang waiting.”
Napangiwi ako. “Nagmamagaling ka na naman, Mr. 100 sa Math.”
He just smirked. “Bye, Solene.”
Solene.
Tanging siya lang ang tumatawag sa’kin niyan, at hindi ko na kayang itanggi—gustong-gusto ko na.
Tumalikod na ako papasok, pero habang naglalakad ako papunta sa classroom, I caught myself smiling for no reason.
I knew the drill: walang lambingan sa school. Walang harutan. Walang tinginan. Secret nga, diba?
Pero that didn’t mean walang kilig. Kasi kahit na walang label pa rin kami sa harap ng mundo, alam kong hindi na kami basta barkada lang.
Sa loob ng room, binati ako ng mga classmates ko.
“Uy, Eli, welcome back! Nag-out-of-town ka raw?”
“Sino kasama mo?”
“Uy, ang fresh mo ha. Parang may glow ka!”Napakunot-noo ako. Glow? Ako? I looked at my reflection sa phone. Medyo haggard pa nga ‘yung itsura ko, pero siguro... iba nga ‘yung effect kapag masaya ka.
“Kasama ko lang family friends,” I lied casually habang umupo. “Taga-Halayhay ‘yung lola ko.”
Pero ang totoo?
Kasama ko si Jace.
Kami lang dalawa.
At kahit pa walang ibang nakakaalam nun... para bang sobrang bigat ng sikreto pero sabay, sobrang sarap sa dibdib.
12 STEM 4 | Late Morning
“Eli, ikaw ‘yung sagot sa number 8 sa module kahapon, ‘di ba?”
Napalingon ako mula sa papel kong halos kalalabas lang ng printer. Si Rea ‘yun, isa sa mga kaklase kong palaging nagre-review nang maaga.
“Yup,” sagot ko habang inaayos ang staple sa mga papel. “Why?”
“Wala lang. Pinag-awayan kasi namin ni Joren. Akala niya mali ‘yung solution mo—eh ‘yun ‘din ‘yung sagot ko.”
Napangiwi ako. “Hay nako, Joren na naman. May sarili siyang mundo minsan.”
Tawanan sila sa likod habang ako, balik focus sa papel. Pero kahit anong pilit kong i-ground ‘yung sarili ko sa modules, ang utak ko...
...kay Jace pa rin bumabalik.
Kanina lang, habang naglalakad ako paakyat ng stairs, naramdaman kong may nakasunod. Sa likod ng hallway—'yung part na madalas walang tao between breaks. Tahimik lang. Tapos, out of nowhere, may boses akong narinig.
“Ba’t ang bilis mo? Akala ko hihintayin mo ako.”
Napalingon ako.
Siya. Rhyler. Jace.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...