抖阴社区

Chapter 21

1 0 0
                                        

2:36 AM.

Dapat tulog na ‘ko.
Dapat naka-off na ‘tong phone ko.
Dapat hindi ako nagta-type ng kung anong katangahan sa chat.

Pero ayan tayo.

Gising. Naka-stare sa screen. Nag-ooverthink.

At mas malala pa? Alam kong mali ‘to. Alam kong may quiz kami bukas. Alam kong may backlog pa ‘kong Chem. Pero bakit ba, no? Hindi ko maawat sarili ko.

Yung huling message ni Rhyler kanina—para siyang glitch sa system ko. Hindi naman siya sweet. Hindi rin siya creepy. Pero bakit parang nakikiliti utak ko?

Sino ba kasing sumusubaybay ng notes ng ibang tao sa whiteboard? Pero at the same time, parang… ang talino rin? Hindi siya tanong. Parang paalala lang na, “Hoy, nakita kita.”
Subtle.
Chill.
Pero may dating.

2:45 AM.

Naka-type na ‘ko ng limang variations ng sagot. Lahat deleted.

Magpapatawa ba ako?

Mag-iinarte?
Magpapakatotoo?
Magpapanggap na hindi ako affected?

Ayoko na. Eto na lang.

YOU

Gising ka talaga ganitong oras?

Ang bilis ng three dots.

Hala. Mali ba ‘tong tanong ko?

2:47 AM.

RH

Di lang ikaw ang may unhealthy sleep schedule.
Last week, 3 hours lang tulog ko before a test. Sanay na ako.

Ah okay. So competitive pati sa puyat? Sleep-deprived supremacy?

2:51 AM.

YOU

So anong ginagawa mo? Nagre-review? O nagmumuni-muni lang?

I regret everything.

Bakit ko ba tinanong ‘yon?

Pero ayan na naman ‘yung ellipsis.

2:55 AM.

RH

Nag-iisip.
Subukan mo minsan. Baka may madiskubre ka.

HA????

Pinaringgan pa ‘ko?

Ano ‘to, therapy session?

2:57 AM.

YOU

Hoy, nag-iisip din ako noh. Kaya nga ako gising.
Kaso minsan, toxic company ‘yung sariling thoughts eh.

Real talk.

2:59 AM.

RH

Yun nga.
Pero minsan ‘yung mga tinatakbuhan mong thoughts, ‘yun ‘yung may sagot.
Takot ka lang marinig.

PUTA.

Wait lang.

Anong meron sa lalaking ‘to at parang gusto niya akong i-expose at 3AM???

Who talks like this? Sino bang nagsesend ng existential crisis message ng madaling-araw? Sino???

But also… bakit ang lakas???

3:02 AM.

Gusto kong ibato phone ko. Pero hawak ko pa rin.

Hindi ko maintindihan. Hindi ko siya type. Hindi ko siya close. Hindi ko siya kilala!

Strings of FateWhere stories live. Discover now