抖阴社区

Chapter 35

0 0 0
                                    

Tahimik lang ang biyahe namin pauwi. Walang music. Walang usapan. Pero hindi siya yung awkward silence na hindi mo alam kung paano sisimulan. Tahimik kasi hindi ko alam kung kaya ko pa magsalita.

Nasa passenger seat ako, nakaayos ang seatbelt, pero parang mas mahigpit pa rin ang hawak ng tanong na ’to: Hanggang kailan ako kakapit kung hindi naman ako hawak?

“Okay ka lang?” tanong ni Rhyler habang nagme-merge sa intersection. Side glance lang siya. Saglit.

I nodded, “Mm-hmm.” Yun lang. Walang dagdag.

Alam kong naramdaman niya. Hindi ako galit, pero alam kong naramdaman niyang may nabago.

He still did the little things—hawak sa likod ko nung naglalakad kami papunta sa car, binuksan ’yung pinto, kinuhanan ako ng drink. Lahat ng gestures na ginagawa ng boyfriend sa girlfriend, pero hindi naman kami.

Lahat ng mga kaklase ko kilig na kilig sa kanila. “Sana all!” palagi nilang biro. Lagi akong napapangiti, pero lately, hindi ko na masabi kung ngiti pa ba ’yon o ngiti na lang para huwag silang magtanong.

Pinapanood ko siya habang nagmamaneho. Relaxed, isang kamay lang sa manibela. Minsan tinitingnan ako saglit, tapos babalik ang tingin sa daan. Akala mo chill lang, pero ramdam kong may nararamdaman siyang something’s off.

“Thanks for today,” mahinang sabi ko pagdating sa tapat ng gate namin.

He didn’t answer immediately. Tumigil siya sa pag-type ng plate number sa security app bago siya tumingin sa’kin. “Sure ka okay ka lang?”

Tumango ulit ako. “Oo, okay lang. Pagod lang.”

Pagod lang ba talaga ako? O napapagod na rin akong asahan ’yung hindi naman malinaw?

Bumaba ako, bitbit niya pa rin gamit ko. Pinilit kong ngumiti. “Ingat ka, Rhy.”

“Solene,” tawag niya. Hinintay kong may sabihin pa siya. Gusto ko sanang marinig ’yung klaro. Yung malinaw. Pero wala. He just said, “Text me pag nakapasok ka na, please.”

I nodded and gave a small wave. “Sige.”

Pagpasok ko sa kwarto, hindi ko agad binuksan ang ilaw. Binuksan ko lang phone ko. Notifications. Group chat ng mga friends kong taga-ibang school. Hindi nila alam ’to. Hindi ko naman ikinukwento.

Maybe because I still don’t know what to call this.

Kilala ko ang sarili ko. I’m not the type to settle sa “bahala na.” Hindi ako papasok sa relasyon na walang pangalan. Hindi ako mag-aassume sa mga bagay na hindi naman sinabi. And yet... here I am. Confused. Caught between the effort he gives and the commitment he can’t say out loud.

I know what I want. Clarity. Label. Commitment. Hindi para sa validation ng iba, kundi para sa sarili kong peace.

Pero hindi ko alam kung yun din ang gusto niya.

At kung hindi niya ako kayang piliin nang buo, bakit niya ako pinaparamdam na parang ako na?

------

Kinabukasan sa school, maaga pa lang andun na si Rhyler. Naka-park na ‘yung car niya sa usual spot sa tapat ng building. Nakasandal siya sa may pintuan ng passenger seat, parang may hinihintay—at as usual, ako nga ‘yon.

May hawak siyang paper bag. And knowing him, for sure may laman na food ‘yon.

Pagkakita niya sa’kin, automatic na ‘yung ngiti. ‘Yung tipong dimples agad, singkit agad yung mata, tapos bigla siyang lalakad papalapit sa’kin as if wala nang ibang tao sa paligid.

Strings of FateWhere stories live. Discover now