Monday. 5:00 PM.
Pagkauwi ko galing school, pakiramdam ko parang dalawang araw akong hindi nakatulog. Literal. My brain’s been running on overdrive since yesterday, at kahit sa klase kanina, hindi ako mapakali. Hindi dahil sa quiz. Hindi dahil sa recitation. Pero dahil sa story post ko kagabi.
Nakahilata na ako ngayon sa kama, suot pa ‘yung uniform ko, at hawak-hawak ‘yung phone na halos di ko na mabitawan simula pa kanina. Puno ng notifications. Sa Messenger. Sa Instagram. Sa GC.
8 unread messages
GC: Stella’s Circle
Atasha: “HUY. SI RHYLER BA YAN?!!”
Louise: “GIRL. HALOS KALAHATI NG KATAWAN NIYA YUNG PINOST MO.”
Graciel: “May veiny arms na, may branded watch pa. Hala. You’re soft-launching with STYLE???”
Napahiga ako nang todo. ‘Yung tipo ng higa na parang gusto mong matunaw sa kama mo. I knew it. Alam kong kahit “shoulders and hands” lang ‘yung pinakita ko kagabi, mahahalata pa rin ng mga ‘to.
I mean, come on. Ang lalaki ng ugat sa kamay nun. May mamahaling relo pa. Tapos ‘yung lighting pa — soft and candid, like something out of a Pinterest post. Girl, are you even trying to hide it?
Napakagat ako sa labi ko habang tinititigan ‘yung GC. I wanted to reply. I wanted to say "stop overthinking, friends lang kami." Pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko rin alam kung bakit.
Because it's not just friends anymore, isn’t it?
Pero hindi pa rin ako ready. Hindi pa.
Kaya ang ginawa ko?
Nag-send lang ako ng wink emoji.
Wala nang caption. Wala nang dagdag.
After two seconds lang —
Atasha: “PUTA. GANYAN MAG-REACT ‘YUNG HULING AYAW UMAMIN.”
Louise: “Ganyan din ‘yung ginawa ni Sam dati nung may nililihim siya sa atin.”
Mariel: “Sige, Eli. G ka lang. Pero when you’re ready… storytime tayo ha.”
Napangiti ako nang konti habang napapikit. Parang gusto kong tumawa pero may halong kaba. Kasi habang kinikilig ako sa tuwing naiisip ko ‘yung photobooth kahapon— ‘yung head pats, ‘yung backhug, ‘yung kiss sa cheek na hindi ko in-expect — mas lalo akong kinakabahan sa gulo na pwedeng sumunod.
What if may nakakita samin kahapon?
What if may mutual friend kami sa Quantum or Jollibee?
What if may nag-picture?
What if may nag-screenshot ng story ko?
Tangina, Eli.
Huminga ako nang malalim, pinilit kumalma.
Hindi ko pa kayang umamin. Hindi dahil sa nahiya ako — but because whatever this is between me and Rhyler, it's still… ours. Tahimik pa siya. Walang label. Walang pressure. Walang ibang mata. And for now, I want to keep it that way.
Atasha might be right. One day, aamin din ako.
Pero hindi pa ngayon. Hindi habang ang dami pang ‘di ko rin alam.
----
"Pwede ako dumaan d'yan saglit?"
7:03 PM. Galing kay Atasha.
Napaupo ako bigla sa kama. Wait lang—what?
Hindi siya ganito kadalas dumaan sa bahay. Kahit super close kami, halos lahat ng chika namin sa chat or call. So kung bigla siyang pupunta nang walang warning? Alam ko na agad.
This isn’t a hangout. This is an interrogation.
"Sure, haha. Wala pa si Mama, ako lang," reply ko, kahit gusto ko sanang magtago sa ilalim ng kumot.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
