抖阴社区

Chapter 43

3 0 0
                                        

Tahimik ang buong sasakyan habang pauwi kami.

Naka-rest lang ang ulo ko sa bintana, pinapanood ang mga streetlights na parang lumulutang sa dilim. Sumasayaw ang mga anino sa loob ng kotse habang dumadaan kami sa ilalim ng mga ilaw. Sa tabi ko, si Rhyler, steady lang ang pagmamaneho, parang hindi affected. Pero alam ko, kahit hindi siya magsalita, ramdam niya 'yung bigat sa dibdib ko.

Hindi dahil sa may masama. Pero kasi... sobra.

Sobra ‘yung dami ng nangyari. Sobra ‘yung dami ng tanong na bumalot sa isip ko.

Sino ba ako sa paningin nila?

Sino ba ako para kay Rhyler?

At paano ba naging ganito kabilis ang lahat?

---

Flashback to earlier that day.

“Solene, this is Tita Tere—galing pa ‘yan ng New York. You know, Jace always shows me your pictures from school. Ang tangkad mo pala in person!”

“Ah, thank you po…”

“Ikaw pala ‘yung sinasabi niya na matalino pero suplada. Sabi ko nga, siguro ‘yan ‘yung type ng anak ko—‘yung mahirap paandarin!”

“Ahh… hahaha…”

“I heard you’re from STEM 4? Top student daw. Grabe naman, Rhyler really knows how to pick.”

Pick.

Pick.

Parang kiniliti ‘yung utak ko sa word na ‘yon. Kasi kahit totoo namang nagpaparamdam na siya—hindi ko alam na ganito niya ako kinukuwento sa pamilya niya.

At hindi basta kwento lang.

Kasi halos lahat ng nakausap ko, may alam.

Alam nila birthday ko.

Alam nila paborito kong pagkain.

Alam nila na lagi akong may dalang powder at lip balm kasi tamad akong mag-retouch.

At ‘yung lola niya—lola niya!—alam ang section ko at ‘yung una naming sabay na uwian.

Parang nilista niya lahat, tas kinuwento nila over dinner.

Tapos ako?

Tahimik lang.

Nakangiti lang.

Nagtatago ng kaba sa likod ng cup ng juice na hawak ko.

---

Pagbalik sa present.

“Kumusta ka?” tanong ni Rhyler habang naka-stoplight kami. Hindi siya tumingin, pero ramdam ko ‘yung concern sa boses niya.

“Okay lang.”

“Hindi mo kailangang sabihing okay kung hindi naman.”

Napangiti ako ng konti. Gano’n talaga siya—laging on-point kahit hindi emotional. Para siyang calculator ng feelings: accurate kahit walang drama.

“Overwhelming lang,” sagot ko finally. “Like, alam kong kilala mo ako, pero… hindi ko alam na ganito mo ako kinukuwento.”

Tahimik siya saglit. Umabante na ulit kami.

“Kasi proud ako sa’yo.”

Tahimik.

Boom.

Ganun lang siya. Isang linyang simple pero mabigat. Walang paligoy-ligoy. Diretso sa puso.

“Hindi naman ako—”

“Solene,” putol niya, this time, lumingon siya sandali. “Hindi ko kailangan ng reason para ikuwento ka. I just do. Kasi gusto kita. At kung mas makilala ka nila, mas maintindihan nila kung bakit.”

Strings of FateWhere stories live. Discover now