Sabi nila, ang mga pagkakataon daw, parang ex—paulit-ulit bumabalik kapag hindi mo pa natututo.
Pero wala naman akong naging jowa, so... bakit parang ako pa rin 'yung pinipilit turuan?
Hindi ko siya hinahanap. Pero bakit parang siya 'yung lagi kong nahahanap? Or worse… ako 'yung lagi niyang nahahanap?
Universe, bakit?
**
Wednesday.
Library ulit.
Pang-ilang araw ko na bang sinasabing “Last na ‘to, promise”? Pero ayan, nakatunganga na naman ako sa laptop habang sinusubukang tapusin ang paper na may due mamayang 11:59 PM. Classic student behavior.
At dahil wala akong choice kundi magsiksik sa library, bumalik ako sa usual spot ko. Tahimik. Walang istorbo. At, ayon sa calculations ko, 89% chance na walang tao.
Wrong.
May nakaupo.
Siya na naman.
Naka-hoodie. Naka-earphones. At mukhang seryoso na naman sa buhay. Parang pinag-iisipan kung paano lutasin ang world hunger gamit ang periodic table.
A part of me wanted to turn around.
But another part of me—yung ewan kung anong trip—naglakad papunta sa table at umupo rin. Three seats away. Social distancing, pero make it mysterious.
I opened my laptop, hinanap ang document, pero ang cursor ko lang ang gumagalaw. ‘Yung utak ko? Busy.
Ilang beses ko na siyang nasasalubong. Sa hallway. Sa canteen. Sa stairs. At lagi—lagi—kaming nagkakatinginan.
Hindi 'yung chismisan sa mata. ‘Yung tipong... alam mo ‘yung meme na “When your eyes meet and you pretend nothing happened pero deep inside, naghihisterikal na ‘yung puso mo?” Ganern.
And this time, sa library pa talaga.
Tahimik. Intimate. Parang ‘yung mga eksenang biglang may tumunog na “Can’t Help Falling in Love” sa background.
Ang problema lang... wala tayong sound system dito.
“Do you always sit there?”
Napatalon ako nang bahagya.
Hindi ko alam kung mas nagulat ako sa tanong niya o sa fact na ang boses niya, Diyos ko—lowkey parang voice actor sa K-drama. Hindi halata sa hitsura pero may bass ‘yung words niya, ‘yung parang kaya kang hipnotisin sa recitation.
“Uh…” Natawa ako, awkward. “Minsan lang. Kapag gusto kong magkunwaring productive.”
He smiled. SMILED. ‘Yung tipong isang side lang ng labi niya ang gumalaw, pero sapat na para i-crash ‘yung mental tabs ko.
“Same,” sabi niya.
And that was it.
Short convo, pero parang emotional earthquake.
**
Thursday.
Sa hallway, nadaanan ko siya. Naka-uniform, bitbit ang laptop, at ‘yung aura niya? Parang hindi mo ma-approach pero gusto mong lapitan.
Napatingin siya. Slight smile. Tiny nod.
Atasha caught it.
“Hoy. Si Rhyler?!?? Bakit may pa-nod?”
“Wala,” sagot ko agad. “Study buddy ko... sa hangin.”
She raised a brow. “Mukha siyang dark academia crush.”
“Stop.”
“Tapos ikaw ‘yung sunshine girl sa 抖阴社区.”
“Tigil.”
“Enemies to lovers ba ‘yan or slow burn?”
Sinong nagsabing may kwento kami? Pero ‘yung mukha ko, nagka-glitch na. Napansin ko na ring paulit-ulit ang encounters namin.
And I hate to admit it, pero kinikilig ako sa background story na wala namang nagsusulat.
**
Friday.
Akala ko wala na. But guess what?
Nasa Psychology section siya.
Hawak ang libro ni Freud. ‘Yung mukhang may 300 pages ng existential dread.
Tumigil ako sandali sa gilid. Pero bago ako makaiwas...
“You like theories?”
Napalingon ako. “What?”
“Psych,” sabay taas ng libro. “Mahilig ka rin?”
I blinked. “Only when I don’t understand my feelings.”
He let out a tiny laugh. HALLELUJAH. May sound effects siya.
“Same.”
Tatalikod na sana ako pero may pahabol pa siya.
“You don’t seem the type who asks first.”
I stopped. “Sabi mo?”
He met my gaze, eyes steady. “Just a hunch.”
Well, hunch mo, nakakabaliw.
Hindi ko alam kung na-reveal ko ba ‘yung buong pagkatao ko sa tatlong palitan ng salita. Pero isa lang alam ko...
This guy is dangerous.
Not the “bad boy” kind.
But the type who looks at you and somehow sees the pages you didn’t even open yet.
**
Weekend.
Nakahiga ako. May quiz dapat akong inaaral. Pero anong iniisip ko?
‘Yung lalaki sa library na parang secret character sa game na unti-unting nagla-load.
Pero somehow, he’s becoming a constant.
Like the blank spaces in my journal I’m scared to fill.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...