There are only two types of people in this world.
‘Yung mga estudyanteng may “favorite teacher”...
At kaming mga warfreak na walang pake basta huwag lang kayong magbigay ng surprise quiz.
Guess which one I am.
Nag-aalarm ang utak ko ng red flag kapag may naririnig akong,
"Ayyy si Ma’am Corsame favorite ko talaga! So kind!”
or
"Grabe, I love Sir Martin sobrang bait tsaka funny!”
Like girl, are we talking about the same person na nagbigay ng long test nung mismong araw na bumagyo ng Signal No. 2? Is this gaslighting?
Ako kasi, I don’t get attached to teachers. Or people. Or dogs sa kalsada na sumusunod sayo kahit sinabi mong “umuwi ka na.”
Basta general rule ko: wag masyado mag-invest. Sa kahit sino.
And yet here I am… invested sa conversation thread namin ng isang lalaking hindi ko naman ka-close. I swear hindi ko na nga maalala paano to nagsimula eh. Parang isang araw nagtanong lang siya about polymers, and now? May three-day streak na kami.
Na hindi ko rin sinasadya, okay? Gusto ko lang mag-reply nang mabilis kasi baka… baka magmukhang snob.
(Which is ironic kasi I am a snob. Proud. Degree holder.)
Anyway, eto nanaman kami.
Chat thread.
Silence.
Then...
RHYLER DAVIDS:
Kung papapiliin ka ng favorite teacher, sino?
Tangina naman ‘tong tanong na ‘to.
Like—wala ba siyang ibang tanong na mas may sense? Tipong “anong plano mo sa buhay after graduation?” or “bakit hindi ka marunong mag-reply agad?” or even, “kumain ka na ba?”
Pero eto. Favorite teacher daw.
At syempre, dahil Eli ako, hindi ako pwedeng mag-reply agad-agad. Kailangan may grace period.
So sinend ko muna sa sarili ko yung message para hindi ko makalimutan. (Yes, sinend ko sa sarili ko. Ganon ako ka-OA.)
Then I stared at it for... a while.
Sa totoo lang, ang bilis ko sana mag-reply. Pero alam mo ‘yung may part sa utak mong natatakot magmukhang too available? Eh hindi pa kami close ni guy. So I replied after 38 minutes and 12 seconds. Sakto lang para hindi halatang tinaymingan ko.
YOU:
Wala akong fave. Pero least fave, meron. Gusto mo ng listahan?
Less than 10 seconds later…
RHYLER DAVIDS:
G ka agad sa chismis ah.
Napangiti ako.
Wait lang. Napangiti ako?
No. Nope. Not counted. Reflex lang ‘yon. Minsan talaga gumagana ang cheek muscles kahit walang approval from the brain.
YOU:
Hindi chismis ‘yon. That’s academic trauma. Documentation purposes.
RHYLER DAVIDS:
So sino nasa Top 1 sa hate list mo?
Ang kapal ng mukha.
Walang “Haha” or “jk” or kahit isang emoji para medyo mabawasan ang intensity.
Literal lang. Tuloy-tuloy. Tanong lang nang tanong. Wala bang boundaries sa batang to?
Pero in fairness… natatawa ako.
YOU:
Ikaw ba? Meron kang fave?
RHYLER DAVIDS:
Meron. Pero hindi teacher.
What the heck?
Anong klaseng segue ‘yon?
Nag-type siya. Then deleted.
Typed again. Deleted ulit.
Gusto ko siyang pagalitan. Parang gusto ko siyang sabihan ng “Anak, kung hindi mo rin lang masesend, huwag ka na mag-type. Nafo-fall na ‘yung tao. Este—nafa-frustrate.”
After five full minutes…
RHYLER DAVIDS:
Favorite kong subject ngayon? ‘Yung conversation natin.
...
Shit.
Sinapian ba siya?
Sino nag-hack ng account niya?
This man did NOT just say that. Hindi siya ‘yung tipong magbabato ng line na ganyan.
At eto ako, naka-freeze na parang may virus ang utak ko. Tumigil ‘yung cursor ko sa reviewer ko. Hindi ko ma-highlight ‘yung terms. Hindi ko maalala kung ano bang function ng lysosomes.
And the worst part?
KINILIG AKO.
Pero syempre, hindi ako papatalo.
YOU:
Cringe. Minus 2 points sa credibility mo.
RHYLER DAVIDS:
Worth it.
Tangina. Bakit ‘yung sagot niya parang scripted sa isang 抖阴社区 story na 2AM mo mababasa tapos gugulong ka sa kama habang nagpi-finger heart mag-isa?
Nag-log out ako ng Instagram.
For safety.
This is dangerous.
I am in danger.
I drank water. Closed my tabs. Nag-walk ako around the room like a lunatic. I even opened a random Chemistry reviewer just to prove na hindi ako naapektuhan.
Pero syempre.
Alam nating lahat ang ending.
Bumalik din ako sa chat.
RHYLER DAVIDS:
Wala na. Talo na ‘ko.
Ano daw?
YOU:
Talo saan?
RHYLER DAVIDS:
Sa pa-hard to get mo.
WHA—
I need to uninstall this app. I need holy water. I need a VPN para hindi ako ma-trace. I need…
I don’t know. I need to not smile like this. Because I’m smiling.
Hard.
Pero syempre, pakipot ako forever.
So I replied:
YOU:
Wala namang game. Wala ring prize.
RHYLER DAVIDS:
Baka ako ‘yung prize.
Putangina.
Gusto ko mag-screenshot.
Gusto ko ipa-frame.
Pero hindi. Hindi ako bibigay.
Not yet.
Pero God.
If you're listening.
Isang kilig pa at baka ma-unlock ko ‘yung secret level ng pagiging Eli na marunong mag-reply agad.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
