“Eli, may susunduin ka ba mamaya?”
Napatingin ako sa kaklase kong si Jen habang nag-aayos kami ng gamit. “Wala, si Papa lang ‘yun siguro. Bakit?”
Nagkatinginan sila ng seatmate niya. “Wala lang. Parang... may something.”
Napakunot na lang ako ng noo.Alam kong medyo nahahalata na rin ng ibang classmates ko na may “something” kay Rhyler at sakin—lalo na sa mga kilos niya lately. Pero wala akong inaamin. Kasi wala naman talaga. Diba? Wala kaming label, wala kaming usapan, wala kaming anything. So bakit ako ang parang nalilito?
Lumapit si Rhyler sa pinto ng classroom habang bitbit ‘yung dalawang bag—oo, kasama ‘yung bag ko. Nilapag niya ‘yon sa desk ko, tapos ngumiti. “Let’s go?”
“Wait, bakit dala mo ‘tong bag ko?”
“Binitbit ko na habang naglilinis ka kanina. Ayoko nang pinapapagod ka.”
Wala akong nasabi. Sanay na ako sa ganito sa kanya. Lahat ng romantic green flags sa mga nababasa kong 抖阴社区 stories, ginagawa niya—pero never pa siyang nagtanong kung pwede bang ligawan ako. Kaya pa’no ‘to?Habang naglalakad kami palabas ng gate, napansin ko na sobrang tahimik niya. Normally, makulit siya at madaldal—lalo na kapag ako ‘yung kasama niya. Pero ngayon? Parang may iniisip. Parang may tinatago. Parang may alam siya na hindi ko alam.
“Anong meron?” tanong ko habang nasa tabi siya.
Napatingin siya sakin, tapos ngumiti ng bahagya.“Wala. Masaya lang ako.”
“‘Di ka naman ganyan pag masaya ka, ah. May tinatago ka.”
Tumawa siya. “Bakit, ayaw mong may surprise?”
Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo.
“Rhyler...”
Pero ngumiti lang siya ng matamis, sabay bukas ng pinto ng passenger seat ng kotse niya. “Sakay ka na. Gutom ka na, diba?”
“May gagawin tayong schoolwork, hindi ba?”
“Gagawin natin ‘yon. Pero kakain muna tayo. Gusto mong Jollibee o yung maliit na cafe na tahimik?”
“Cafe…”
“Okay, noted.”
Tumango lang ako pero habang sumasakay ako, ramdam kong may iba. May ginagawa siya sa likod ng eksena. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.
------
Pagkababa ko ng kotse ni Rhyler, isang maikling “Ingat ka,” lang ang nasabi niya. Sinuklian ko ng isang tango at ngiti. Pinilit kong gawing normal lang ang lahat kahit ang totoo, masyado nang mabilis ang tibok ng puso ko.
Pagpasok ko sa bahay, naamoy ko agad ang ginisang gulay ni Mama. Nasa kusina siya, suot ‘yung luma pero malinis niyang apron habang hinihiwa ang upo.
“Kanina ba ‘yung gwapong lalaki na naghatid sa’yo, anak?” tanong niya, sabay sulyap sakin.
Napahinto ako. “H-ha? Sinong lalaki, Ma?”
Hindi siya tumigil sa paghiwa. “Yung naka-itim. May kotse. Nakausap ko siya saglit sa labas. Davids daw apelyido. Gwapo, ang bait magsalita, mukhang disente.”
Bigla akong naupo sa kahoy na upuan sa gilid. Hindi ako agad nakasagot. May pressure sa dibdib ko na parang gusto ko siyang tanungin ng marami, pero wala akong boses.
“Hindi mo sinabi na may bisita ka?” tanong niya pa ulit. “Ang akala ko delivery lang o kaklase.”
Hindi ko alam ang isasagot. Kasi hindi ko rin alam. Wala akong idea na dumaan si Rhyler sa bahay namin. Wala siyang binanggit. Wala siyang pasabi. Hindi niya rin ako tinawagan kanina habang pauwi.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...