抖阴社区

Chapter 36

1 0 0
                                        

Mag-a-alas tres na ng hapon pero hindi pa rin ako umaalis sa bench na ito sa loob ng malapit na park sa school. Tahimik, presko, medyo maulap. Wala masyadong estudyante dito kasi madalas na sa tambayan ng mga org or sa labas ng canteen lahat. Pero ako? Nandito lang, hawak ang libro, pero hindi naman talaga nagbabasa.

May steps akong narinig. Hindi pa man ako lumilingon, alam ko na.

“Late ka,” bulong ko, kahit hindi ko sya tinitingnan.

“Wala akong sinabing may oras ‘yung usapan natin.” Bumaba ang boses niya sa tenga ko, tapos naramdaman ko na lang yung init ng hininga niya sa may batok ko. “Pero kung gusto mo, next time... ako na magdedemand kung anong oras kita dapat makasama.”

Napailing ako. “Yabang mo.”

“Hindi ba totoo?” sagot niya sabay upo sa tabi ko.

Dinala niya yung dalawa naming favorite drinks. One for me, always iced matcha. One for him, black coffee na walang sugar. May dala rin siyang chips at cookies. Nakalagay lahat sa tote bag niya na kahit laging black, mukhang bagong linis lagi.

Inabot niya ang matcha ko. “You didn’t eat lunch, di ba?”

Napatingin ako. “How’d you know?”

“Didn’t see you sa canteen kanina. Nasa lab ako, but I checked.”

Minsan talaga parang may secret CCTV ako kay Rhyler. Napansin niya agad, samantalang ako nga hindi ko rin alam kung saan siya nanggagaling kapag bigla nalang sumusulpot.

Niyaya niya ako sa damuhan, doon sa may lilim. Umupo siya, sabay hila sa kamay ko.

“Lie down. Gusto ko lang makita ‘yung ulap,” sabi niya.

Nginitian ko siya pero hindi ako humiga.

He pouted—yes, literal. “Please? Pagod ako. Gusto ko lang magpahinga habang ikaw ‘yung pillow.”

Napataas ang kilay ko. “Pillow agad?”

“Solene,” he whispered, halos pleading. “Just once. Gusto ko lang... maging malapit.”

So I gave in.

Hiniga niya ulo niya sa lap ko. Napansin ko yung subtle smile niya. Yung ngiti na hindi kita sa lahat, pero lumalabas pag nasa malapit lang ako. Unti-unting nagrelax yung mga balikat niya. Parang… dun lang siya nakakahanap ng peace.

I brushed a few strands of hair sa forehead niya. “Rhy, matutulog ka ba?”

“No. Gusto ko lang maramdaman na andito ka.”

Tahimik kami for a while. I traced light circles sa damit niya habang siya naman parang nagme-memorize ng rhythm ng heartbeat ko.

He broke the silence. “Solene… do you ever wonder why I always choose to be with you?”

Napakagat ako ng labi. “Sometimes.”

“Then bakit hindi mo tinatanong?”

I wanted to say, kasi takot akong sagutin mo ng something casual. Na baka sabihin mo lang na 'you're fun to be around' or 'you're my escape'. Pero hindi ko sinabi.

Instead, I asked back, “Do you?”

“Do I what?”

“Wonder why I let you?”

Napangiti siya—slowly. “Kasi may gusto ka rin sakin?”

Tinignan ko siya nang matagal. “Alam mong hindi ako ganun kadaling mahulog.”

“Exactly,” he whispered. “Kaya I never take this lightly.”

My chest tightened. Not because of his words—but because he still won’t define “this.”

Strings of FateWhere stories live. Discover now