抖阴社区

Chapter 64

2 0 0
                                        

Bumalik na ulit sa klase. Officially tapos na ang holiday break. Tapos na ang mga gabi ng walang iniisip kundi Netflix, tawanan sa group chat, at ang walang kamatayang tawagan namin ni Rhyler na minsan umaabot pa ng 3AM kahit wala na kaming masabi kundi "hmm" at “ikaw na lang muna magsalita, Love, gusto ko lang marinig boses mo.”

Pero ngayong nasa jeep na ako, suot ang bagong ribbon na pinilit kong plantsahin kagabi, bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Normally, excited akong makita siya. Pero may kung anong bumabagabag sa akin.

Pagdating ko sa gate, may mga nag-aabang na agad na mga kaklase ko. Nag-beso, nag-hi-hello, nagsigawan pa ang iba. Maraming nagdala ng pasalubong. May mga bagong haircuts, bagong phones, bagong issues.

Pero wala siya.

Tumitig ako saglit sa screen ng phone ko. Last seen: 5:03 AM. Nag-chat siya ng “Good morning, Love” kaninang madaling-araw, pero hindi na siya sumagot matapos kong i-reply ng 6AM na, “Good morning din, Love. See you later?”

Walang reply. Seen lang.

Okay, fine. Baka busy lang. Hindi dapat ako agad mag-assume. First day of school nga. Siguro may inaasikaso lang siya. Siguro tinutulungan si tita. O si kuya. O si bunso. O si yaya. Or maybe... okay, stop, Eli. Hindi ka pa nga niya nakikita, nag-iinarte ka na.

Pumasok ako sa classroom at pinilit ngumiti kahit kalahati ng utak ko occupied thinking: “Bakit hindi siya nag-reply?” and the other half thinking: “You’re being too sensitive.”

---

Recess.
Dito kami usually nagkikita.

Hindi kami classmates ni Rhyler, pero consistent kami kahit sa simpleng routines. Recess—‘yung mini break sa gitna ng pressure cooker schedule ng STEM students—was our safe zone. Usually either sabay kaming bibili ng food or sabay uupo sa usual na tambayan.

Pero ngayong araw, iba.

Pagdating ko sa canteen, nakita ko siya. Nakaupo. Pero hindi ako kasama. Hindi niya ako hinintay.

Kasama niya ‘yung tropa niya. Mga lalaki ring taga-STEM. May ibang sections, pero close sila. Tumatawa siya. Pero hindi niya ako tiningnan kahit dumaan ako sa tapat niya.

Okay.

Baka wala lang.

Tumayo ako sa gilid, naghihintay ng kahit konting signal na “Uy, Love! Dito ka na.” Pero wala. Tinignan niya ako saglit—yung tipong isang segundo lang—then balik siya sa usapan nila.

Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong maramdaman. Na-we-weirdohan na ako. Kasi this isn’t like him.

Hindi ganito si Rhyler sakin.

---

Lunch break.
Ito na talaga ‘yung time na usually sobrang clingy niya. Naghihintay sa labas ng room. Magyayaya kahit saan. Bibili ng milk tea. Magyayaya maglakad sa field kahit maaraw. Puro kulitan. Puro “Love, tara.”

Pero ngayong lunch, ako ‘yung naghintay.

10 minutes. 15 minutes. 20 minutes.

Pinuntahan ko na ‘yung usual spot nila. Wala siya.

Nag-chat ako:
Eli: Love, san ka? Di kita makita. Okay ka lang?

Seen.

Hindi siya sumagot. Ang sakit sa loob. Hindi ko alam kung ako ba may mali. Hindi ko alam kung sinasadya niya ‘to or wala lang siya sa mood. Pero kahit anong isipin kong rason, hindi ko makita kung anong nagbago. Wala kaming away. Wala kaming tampuhan bago magbakasyon. Walang dahilan para iwasan niya ako. Or worse, baliwalain ako.

Strings of FateWhere stories live. Discover now