Hindi ko na siya kinausap.
Hindi ko na siya tinext.
At kahit ilang beses pa akong tumingin sa phone ko—ilang beses ko mang balak i-type ulit ‘yung “Can we talk?” or “Pwede bang ayusin natin ’to?”—hindi ko tinuloy. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung may babalikan pa kami. Hindi ko alam kung worth it pa bang ipaglaban kung ako na lang ang lumalaban.
Lunes.
Pagpasok ko sa school, automatic kong tiningnan ang paligid. Reflex na. Hinahanap ko siya. Kahit alam kong hindi ko dapat. Kahit alam kong mas masakit lang. Pero wala siya sa usual spot niya sa hallway. Hindi siya sumabay sa mga ka-section niyang maingay. Tahimik ang paligid—pero hindi sapat na tahimik para mapawi ‘yung bagyo sa loob ko.
Pagdating ko sa third floor, doon ko siya nakita. Nakaupo sa bench sa gilid ng hallway, naka-headphones. Nakalapat ang likod sa pader, parang wala lang. At katabi niya—si Raine.
Tumawa si Raine sa sinabi niya.
Tumango si Rhyler. Ngumiti ng kaunti. Tinanggal ang isa sa mga earphones at iniabot kay Raine. Nag-share sila. Parehong nakatingin sa screen ng phone niya. Hindi ko alam kung video, song, or meme. Hindi ko na rin gustong alamin.
Hindi sila sweet. Hindi sila clingy. Pero ‘yung simplicity ng presence nila sa isa’t isa? Mas mabigat pa sa kahit anong PDA.
Dumaan ako sa harap nila. Hindi siya tumingin. Kahit isang sulyap. Parang hindi ko siya ex. Parang hindi ako ‘yung sinigawan niya ilang araw lang ang nakaraan. Parang hindi ako ‘yung sinabihan niya ng “I want us to be closer this year.”
Parang hindi ako ‘yung girlfriend niya.
Pagkaupo ko sa upuan ko sa classroom, binitiwan ko ang malalim na buntong-hininga na kanina ko pa pinipigil. Nakatingin lang ako sa harap, pero ang mata ko, malabo. Parang lahat ng bagay ay may static. Parang sirang TV ang paligid.
---
Tuesday.
May group activity sa physics. Naghalo ang STEM 4 at STEM 6. Nag-exchange ng members para raw mas collaborative. At sa pagkakaayos ng fate, guess what?
Groupmate ko si Raine.
At sa kabilang group, si Rhyler.
Nakangiti si Raine habang nilalapitan ako.
“Hi, Eli, right? We’re together for this activity,” she said with her soft, perfect voice. Walang bahid ng guilt. Walang awkwardness. Genuine ang aura niya—at hindi ko alam kung paano niya nagagawa ‘yon. Ako ‘tong nagdudusa, ako ‘tong hindi makakain ng ayos, ako ‘tong nawawalan ng tulog—pero siya, ang blooming. Parang walang nangyayari. Parang hindi ako nasasaktan.
“Yeah,” tipid kong sagot.
She took out her iPad and started sharing notes agad. Organized. Efficient. Professional.
Pero habang nagsasalita siya, hindi ko mapigilang mapatingin sa kabilang table.
Rhyler.
Nakangiti. Kausap ang ibang kaklase. Relaxed. Hindi ako tinitingnan. Kahit minsan. Ni hindi rin ako nag-e-expect—pero umaasa pa rin.
“...So you can take the calculations part, if that’s okay?” tanong ni Raine.
Tumango lang ako. Kahit hindi ko narinig buong instruction. Kahit ang isip ko, nasa tabi lang. Sa kanya. Kay Rhyler.
---
Wednesday.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin. Kahit isa lang. Kahit isang tanong lang.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
