抖阴社区

Chapter 22

2 0 0
                                        

2:17 PM.

Nasa third row ako, pangatlong desk mula sa aisle. May quiz kami sa Gen Bio, and as expected, may isa akong brain cell na nag-a-attempt mag-survive habang nagbibilang ng number of ATPs na na-generate sa cellular respiration.

Kung tutuusin, dapat focused ako. Dapat serious. Dapat walang ibang iniisip kundi mitochondria.

Pero ano ‘to?

Bakit parang habang pinapasadahan ko 'yung options sa multiple choice, bigla ko na namang naiisip kung paano inabot ni Rhyler ‘yung payong kagabi. As in, walang extra words. Walang pa-sweet. Walang cheesy line. Just… a command. A presence. A moment.

“Just take it, Solene.”

BOOM. May pa-background music sa utak ko kahit walang speaker sa classroom. Tumitibok tibok tibok ang puso ko…

Napailing ako. Ano ba ‘to, Eli?

Siniko ako ni Adie mula sa kanan. “Hoy. Are you okay?”

“Yeah,” I whispered. “Nag-iisip lang.”

“Ng tamang sagot o ng tao?” sabay kindat.

Putangina. Bakit ka marunong magbasa ng utak?!

“Of course, sagot,” I lied. “Ayoko na ngang maalala ‘yung face nung crush mo—este, nung taong nambubwisit sa’kin.”

“Riiight,” she smirked.

End of quiz. Pass to the front. I passed mine. She passed hers. And just like that, free time ulit.

Pero syempre, sa school, walang tunay na "free time." Kasi the moment may five-minute breathing space ka, mapapaisip ka na agad ng mga bagay na hindi mo dapat iniisip.

Like kung nasan na 'yung payong ni Rhyler.

Nasa bag ko pa ba? Natuyo na ba? Babalik ko na ba?

Or… bakit ba ako affected sa isang payong?

Because metaphor siya, girl, sigaw ng utak ko. Metaphor siya ng concern, ng effort, ng isang taong hindi mo pa gets pero nararamdaman mong may something.

Shet. Stop.

Snap out of it, Solene.

Pero hindi ako sinasagot ng sarili kong utak. Tumigil na siya sa pag-respire, unlike the mitochondria.

4:12 PM.

Dismissal bell ulit. Hindi pa ako umaalis sa seat ko. Hindi rin ako nagmamadali. Kasi may plano ako.

Actually, hindi siya plano. More like—impulse.

Balik ko kaya ‘yung payong?

I mean, technically, ako ‘yung huling gumamit. Siya na ‘yung nag-effort. Ako na lang dapat ang magbalik. Para clean transaction. Wala nang issue.

So nilapitan ko si Sir Raymond, nagpaalam na mag-CR kunwari, kahit ang totoo, may isusurprise akong may slight kabog sa dibdib.

Dalawang hagdan. Tatlong liko. Aisle ng STEM 6.

At ‘yun na nga.

Nando’n siya.

Nakaupo sa desk. Headphones sa leeg. Mukha siyang hindi belong sa classroom—parang product placement lang ng some expensive brand na “Gen Z cool kid in school setting.”

Gago.

Nag-second guess ako. Umalis na kaya ako? Baka awkward? Baka assuming? Baka—

Then he looked up.

Strings of FateWhere stories live. Discover now