May isang bagay akong natutunan sa academic life:
Walang mas mahirap i-memorize kundi ‘yung sarili mong feelings.
Like bakit ba ako biglang nakatulala after magreply ng “Oo. Kasama siya sa list kanina.”
Walang emoji. Walang extra. Walang energy.
As in, parang sinend ko lang out of obligation. Kasi nga review first. Boys later. Or never.
Pero fast forward ng ilang oras… bakit iniisip ko pa rin kung nabasa niya na?
Kung ni-seen ba?
Kung okay lang ba ‘yung tono?
Ang ironic, ‘di ba? Ako pa ‘yung may mahabang patience sa solving organic chem problems, pero isang "seen" lang, ayan—short-circuited.
Gaga ka, Eli.
Nagte-thesis ka sa isang text.
I turned my phone face down on the table and let out a breath. Isa. Dalawa. Tatlo.
Focus.
Pero ayan na naman. Buzz.
Notification.
Instagram.
Rhyler Davids sent a song.
Spotify link.
WHAT.
What is this? A serenade? A trap? A glitch in the simulation?
Tinignan ko yung title.
“Are You Bored Yet?” by Wallows.
HUH.
HUH??!??
Muntik ko na itapon phone ko sa kama. Bakit ‘to ‘yung pinili niyang song? Ano ‘tong musical code? Anong gusto niyang palabasin?
Bakit ‘to ‘yung vibe? Indie? Vague lyrics? Parang sinadya?
Syempre hindi ko agad pinakinggan. Self-respect check.
I mean, hello? Bakit ako matutunaw sa isang Spotify link?
Ako si Eli. Academic Sniper. Future Doctor. Stone Cold Queen.
Pero habang nagbabasa ako ng “Enzymes and Metabolism,”
…ayan, pinindot ko na.
TANGINA.
Ang ganda.
Bakit parang ang lamig sa dibdib?
Rhyler:
“Favorite line?”
Hindi pa kami CLOSE ah.
Hindi pa kami friends.
Nagpapalitan lang kami ng academic messages, ilang subtle na tingin, at eto na—playlist era?
Bakit parang nilalagyan niya ng volume ‘yung silence?
Huminga ako nang malalim.
Don’t reply agad. Control.
10 minutes.
15...
16..
Nag-typing ako.
Binura.
Nag-typing ulit.
Binura ulit.
And then finally—
You:
“Ang lungkot pala ng song na ‘to.”
Ang safe ng reply, pero may laman. Sakto lang. Walang pa-sweet. Walang vibes na interested.
Gusto ko lang makita kung anong susunod niyang galaw. Chess game ‘to, hindi chat game.
A few seconds later—
Rhyler:
“Hindi lahat ng lungkot masama.”
HUH.
Okay.
HUH?!?!
Nag-iisip ba siya ng mga linya habang naliligo?
Sino siya—philosopher-slash-DJ?
Hindi ako nagreply.
Ayoko magpa-fall sa isang quote.
So ang ginawa ko, nag-screenshot ako ng convo.
Sinend ko kay Atasha privately.
You to Atasha:
“Look. May nagse-send ng Wallows sa akin.”
Atasha:
“WHO. IS. THIS. MYSTERIOUS. MAN.”
You:
“Walang pangalan. Huwag ka na mangulit.”
Atasha:
“Eli. Do you know how you look right now? Girl ka na in denial pero obsessed na sa playlist.”
Ugh.
Huwag siyang judgmental. Hindi naman ako obsessed. Curious lang.
Curious ako kung bakit may ganito. Kung bakit ganito siya mag-message.
Kung bakit parang may depth siya, pero ayaw niya pang palabasin.
At kung bakit ako, na hindi man lang nagka-boyfriend kahit once,
biglang may part ng utak na nagtatanong…
“Does he send this to everyone?”
The next day, maaga akong dumating sa school.
As in, literal 6:48 AM. Wala pang tao.
Naglakad ako papunta sa hallway sa may STEM building. Tahimik pa.
Then out of nowhere—
“Solene.”
Napalingon ako.
Siya. Nakasandal sa pader. May earphones. Nakasuot ng jacket na parang hindi galing sa mall. Alam mong hindi off-the-rack. Mahal.
Rhyler.
“Yung song, replay mo ‘yun kagabi.”
Seryoso mukha niya. No smile. Walang kilig smile. As in neutral face lang.
HUH.
HUH?!?!
ANONG NSA LEVEL MONITORING ‘TO?
You:
“Stalker?”
Rhyler:
“Inadd mo sa playlist mo.”
Pucha.
NAKITA NIYA?
PRIVATE PLAYLIST KO ‘YUN. HOW?!?
I froze.
You:
“Hindi ibig sabihin nun gusto ko. Gusto ko lang marinig lyrics.”
Rhyler:
“Okay.”
That’s it. Okay lang? No deeper meaning? No follow-up?
Ang hirap i-decipher. Ang hirap basahin.
Pero sa weird way, gusto ko siyang basahin pa.
Like isang mahaba at komplikadong novel na hindi ko maintindihan, pero gusto ko siyang tapusin.
Pagbalik ko sa classroom, ni-review ko yung chat thread namin. Walang sobra. Walang emojis. Puro safe lines.
Pero may mga tanong akong hindi ko masagot:
Bakit ako ‘yung tinanong niya ng ganon?
Bakit may ganong playlist moment?
At bakit may part sa akin na...
...waiting for the next song?
YOU ARE READING
Strings of Fate
Random"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...
