May mga bagay talaga na hindi mo kayang i-explain. Like how the wind feels warmer sa hapon kahit nasa lilim ka, o yung simpleng tingin na parang may sinasabi pero walang salitang lumalabas. I’ve always been a logical person, ayokong nababahala sa mga walang basehan. Pero lately… I’ve been feeling it. Alam kong may mga matang sumusunod sa’kin—hindi ko lang alam kung bakit ako sigurado.
It started nung first week ng pasukan. Hindi ko naman siya pinansin agad. I didn’t even know his name. All I knew was that he wasn’t one of us. Wala siya sa section ko. Hindi rin siya kasama ni Atasha. Ibang mukha. Tahimik. Masyadong composed para mapansin.
Pero mapapansin mo talaga siya.
**
Same schedule lang kami ni Atasha, since parehong STEM strand, pero magkaibang classroom. Ako sa 12 STEM 4, siya sa 12 STEM 2. Lagi kaming sabay pumasok sa school pero maghihiwalay din agad. And sa mga oras na mag-isa akong naghihintay sa hallway, lagi kong napapansin si him. Yung transferee from 12 STEM 6.Rhyler.
Hindi ko pa alam noon ang pangalan niya. Basta lagi lang siyang nandoon. Hindi ko alam kung sadyang lagi lang kaming magkasalubong or may ibang dahilan. Pero ‘yung tingin niya? Hindi ‘yun basta tingin. Hindi ‘yun accidental.
There was a kind of silence between us—unspoken, undefined. Hindi pa kami nag-uusap. Wala pa talagang nangyayari. Pero parang may subtle rhythm na sa pagitan namin. Yung tipong napapatingin ka lang saglit, pero biglang tatalon ang puso mo kahit wala ka namang ginagawang mali.
Akala ko minsan lang ‘yon mangyayari. Pero hindi. Araw-araw, kapag dadaan siya sa hallway, parang instinct na titingin ako sa side ko. Minsan, magkaiba kami ng direksyon, pero sa eksaktong segundo na magka-abot kami ng tingin… napapahawak ako sa strap ng bag ko, trying to distract myself.
Bakit ko ba napapansin?
I hate it. Kasi I promised myself na hindi ako magiging katulad ng friends ko. They cried too much. They gave too much. Ako? I won’t even give a little. Hindi ako magpapadala sa tingin, ngiti, o kahit sa idea ng romance. Hindi ako ‘yung type na mag-iimagine ng "what if" sa stranger.
Pero bakit parang may nangyayari?
**
“Alam mo, napapansin ko rin siya minsan,” sabi ni Atasha habang sabay kaming naglalakad papuntang Science Lab.
Napatingin ako sa kanya. “Sino?”
“Yung binangga mo ng tingin nung Tuesday. Yung taga-STEM 6. Si Rhyler, diba?”
“Hindi ko siya binangga ng tingin,” depensa ko. “Nagkataon lang. And how do you know his name?”
“Girl, lahat ng transferee kilala agad ng buong school,” natawa si Atasha. “Lalo na pag mysterious at medyo may… vibe.”
Napairap ako. “Wala akong vibe na nararamdaman.”
Pero nagsisinungaling ako.
Kasi kahit wala kaming interaction, may something. Minsan, habang naka-line kami sa canteen, lalabas siya galing sa kabilang pinto. At hindi siya tumitingin sa akin nang direkta, pero sa corner ng mata ko—nahuhuli ko siya.
And I know… I know he’s been watching.
Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ‘yon, pero minsan kasi, may certainty ka lang na hindi mo mapaliwanag. Yung gut feeling. And usually, my gut feeling is right.
Pero I don't want to act on it. I won’t. Dahil hindi naman ako interesado. Hindi ako curious. Hindi ako hopeful. I’m just observant.
I told myself, “Eli, huwag mo nang palakihin ‘to. He’s just a stranger from another section.”
Pero that same day, habang palabas ako ng classroom para bumili ng tubig, napahinto ako saglit. Naglalakad siya paakyat sa stairs. Kasabay ko sa hallway. Wala akong balak tumingin, pero naramdaman ko ‘yung presence niya.
I turned my head—just slightly.
At nagtagpo ulit ang mata namin.
Hindi siya ngumiti. Hindi rin ako.
Pero parang may binulong ‘yung sandaling ‘yon sa akin.
You’ll see me again.
At alam ko, hindi lang ako ang nakaramdam nun.
May mga tingin na hindi mo malilimutan, kasi hindi lang mata ang gumagalaw—pati puso mo, napapasunod na rin.
And I knew... something had started. I just didn’t know what.

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...