抖阴社区

Chapter 57

0 0 0
                                    

Akala ko tapos na ‘yung kilig moment namin sa likod ng choir room. Pero apparently, this day wasn’t done flexing how far we’ve come.

Pagka-ikot namin pabalik sa main path ng old building, bitbit ko pa rin ‘yung kamay ni Rhyler, ayan na.

Sa tapat ng luma naming Science Lab—doon kung saan minsan pa akong napaiyak dahil sa isang graded recit—nakatayo si Ma’am Estrella.

“Eli!” tawag niya agad, sabay kindat.

Oh no.

Literal na nag-stop ako sa paglalakad. Tumigil din si Rhyler, pero hindi niya binitawan ‘yung kamay ko. Gulat na gulat ako, kasi si Ma’am Estrella? Siya ‘yung favorite kong teacher noong second year. Matalino, maayos magturo, at isa sa mga unang naniwala sa potential ko. Lagi niya akong tinatawag na “Miss Valedictorian.”

Kaya nang makita niya ako, at si Rhyler sa tabi ko, ang una niyang sabi:

“Aba, may kasama kang model!”

Tumawa siya habang nilalapitan kami. Ako naman, literal na gusto ko na lang lumubog sa sahig. Pero dahil hindi na kami tago, hindi na kami secret… at dahil proud ako—yes, proud talaga—deep breath lang ako, then I smiled and said:

“Boyfriend ko po si Rhyler.”

Ayan na. Nasabi ko na. In full sentence. With chest.

I swear, kung may fireworks lang sa likod ko, baka pumutok na silang lahat. Kasi totoo ‘yung ngiti ko. Hindi pilit. Hindi nahihiya. Hindi fake. And when I looked up at Rhyler habang sinasabi ko ‘yun, kita ko ‘yung subtle smile niya.

‘Yung tipong, “Akin ka. Oo. Confirmed. Inannounce mo pa.”

Ma’am Estrella blinked twice, tapos ngumiti rin.

“Talaga?” Lumapit siya sa harap ni Rhyler, tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Hindi intimidating, more like assessing… the way a favorite teacher would assess kung worthy nga ba ‘yung taong pinakilala sa kanya ng favorite student niya.

Tapos sabi niya:

“Alagaan mo ‘yan ha. Matalino ‘yan, competitive pero may soft heart.”

BOOM. Mic drop.

Ako, naka-smile lang na parang naiiyak. Kasi totoo naman lahat ng sinabi ni Ma’am. And it felt so validating na may someone sa life ko ngayon na naririnig ang mga bagay na ‘yun.

Rhyler, calm as ever, nodded politely. Tapos, sa sobrang composed niya, halos hindi ko naramdaman na kinakabahan siya. Pero nung nagsalita siya, low tone lang, firm pero may softness:

“Araw-araw ko pong pinapatunayan.”

I swear, nag-jelly ‘yung tuhod ko.

Ma’am Estrella giggled a little. “Hay nako. You better. Hindi madaling i-please ‘tong batang ‘to. Pero kapag minahal ka niyan, all-in ‘yan.”

“Alam ko po,” sagot ni Rhyler. “Kaya hindi ko binibitawan.”

OH.
MY.
GOD.

I was about to evaporate on the spot.

Pero si Ma’am? Tumawa lang. “O siya, hindi ko na kayo iistorbohin. Eli, I’m so happy for you. You look happy.”

Ngumiti lang ako. “Thank you po, Ma’am. Miss ko na po kayo.”

“Visit ka ulit dito ha. At ikaw, Rhyler—tama ba?”

Tumango si Rhyler.

“Magkita pa tayo next time. I’m sure marami pa kaming kwento tungkol sa batang ‘yan.” Sabay kindat sa akin.

Strings of FateWhere stories live. Discover now