Friday, 4:49 PM – Outside the school chapel gate
Naglalakad ako palabas ng campus. Backpack slung over one shoulder, earphones in, pero walang tugtog. Nakaplay ang playlist ko sa Spotify, oo—but my ears were too busy listening to the pounding of my own heartbeat. Lahat ng tunog sa paligid... parang naka-mute.
Pilit akong naglalakad ng diretso. Mata sa harap. Di lumilingon.
Pero kahit pilitin kong maging composed, hindi ko kayang lokohin ‘yung pakiramdam. 'Yung sixth sense. 'Yung subtle weight na parang may matang nakaabang, sumusunod, humahabol.
At hindi ako nagkamali.
"Eli—"
His voice.
Tumigil ako. Napapikit ako sandali, shoulders stiffening. Hindi dahil gusto kong marinig siya. Pero dahil kahit anong iwas ang gawin ko, hindi ko pa rin kayang balewalain ‘yung boses na 'yon.
Nilingon ko siya.
Nakatayo siya sa likod ko, hawak ang strap ng bag niya. Naka-pressed down ang buhok niya sa noo dahil sa init ng hapon, pero hindi pa rin nawala ‘yung laging chill na aura niya. He looked tired. Slightly haggard. Pero kung ako ‘yung tatanungin, he still looked... expensive.
“Pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang,” he asked.
Hindi ako sumagot.
Napatingin lang ako sa kanya. Ilang segundong blank stare. 'Yung tipong hindi ko alam kung puputulin ko na lang ‘yung eksena at tuluyang lalakad paalis. Pero naramdaman ko ‘yung paglapit niya.
“Tara,” bulong niya. “Doon tayo.”
Sumunod ang mata ko sa tinuro niya—yung kotse niyang nakaparada malapit sa tapat ng simbahan. ‘Yung usual spot kapag sinusundo siya.
Hindi ako gumalaw.
“Eli,” he tried again, this time mas mahinahon. “Please.”
Please.
Ilang araw ko nang hindi naririnig ang salitang 'yon mula sa kanya. Pero ngayon... bigla siyang nagmamakaawa.---
5:02 PM – Inside Rhyler’s car
Tahimik. Mainit ang loob ng kotse, kahit naka-AC na. Ramdam ko pa rin ang init ng tension. Para akong nakakulong sa loob ng transparent glass box—nakikita ko ang lahat, pero hindi ko maramdaman ‘yung dating koneksyon.
Naka-seatbelt ako, nakatingin sa labas.
Siya naman, naka-half turn paharap sa akin. May hawak siyang... bouquet.
Pink tulips.
Simple, maliit, pero elegant. Mukhang mamahalin. Binalot ng white silk wrap at may naka-tuck na maliit na card sa gilid.
“Para sa ‘yo,” he said, offering it slowly.
Hindi ko agad tinanggap.
“Pasensya na sa lahat ng nangyari,” he continued. “I know I messed up.”
Hindi ako sumagot.
Tinanggap ko ‘yung bulaklak, pero hindi ko siya tiningnan. I placed it on my lap carefully, but still looked outside.
“Hindi ko intention na saktan ka.”
At doon ako napahinga nang malalim.
“Talaga lang?” tanong ko, finally breaking my silence. “Eh bakit mo ako sinigawan sa harap ng ibang tao?”
He sighed. “You were attacking someone na wala namang kasalanan.”
“You were protecting someone na hindi mo naman girlfriend,” balik ko. “Habang ako ‘tong iniwan mo sa ere for days.”

YOU ARE READING
Strings of Fate
Teen Fiction"Hindi ako magbo-boyfriend. Hindi ako iiyak sa lalaki. At lalong hindi ako magpapakatanga sa love." That's Eli's rule. After seeing her friends fall apart because of boys, she promised herself she'd stay focused. No distractions, no commitments, no...