抖阴社区

Last Generation: Zombie Apoca...

By beixoo

16.7K 644 381

"There is life after survival." But would you survive? |UNDER MAJOR EDITING| More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
FINALE
BEYSHU
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
BEYSHU

CHAPTER 40

211 6 1
By beixoo

LAST GENERATION: ZA
CHAPTER 40

YAHIKO

"Mygod! How on earth did those ghastly creatures get in?"

Maka those ghastly creature siya wagas kamukha niya naman yung mga yun. Akala ko pa nga kapamilya niya yung mga zombie na papalapit samin kanina.

Nasulyapan ko ang pag tingin sa akin nila Thalia, maliban nalang kila Gio at Rena na nakatulala sa hangin.

"Ano?" patay malisya kong tanong.

Ako na naman ang natripan ng mga to.

Wala naman akong kinalaman kung bakit may nakapasok na zombie rito, dapat ang pinagbabalingan nila ay yung mag shotang tanga.

Naalala ko tuloy yung kanina.

Ang bilis ng mga pangyayari, 14 kami lahat dito at ngayon 12 nalang dahil nalagasan kami ng dalawa.

At dahil yun sa baliw na babaeng yun. Si Rena, punyeta siya!

"Mukhang hindi magsasalita tong dalawa," saad ni Enzo na tinutukoy si Gio at Rena.

"Kaya ikaw na, Diba nandun ka? Nakita mo naman siguro ang lahat ng nangyari, Bakudan."

Hindi naman umimik ang iba at parang sumasang ayon sila sa sinabi ni Enzo at hihintay ang sagot ko.

Puta bat parang 'i owe an explanation' ang drama ko rito.

"Please tell us, anong nangyari?" tanong ni Owen.

Sasagot na sana ako nang biglang tumayo si Rena at galit na galit na lumapit sa akin.

"You know what? Kasalanan mo 'to e! This is your fault–"

"Ano ba Rena! Hindi ka pa rin ba titigil!" biglang sigaw sa kanya ni Gio.

"What? Totoo naman! Kasalanan niya to! Maayos naman tayo rito nung wala yan! Kasalanan niya kung bakit nangyari to!"

Agad na napakunot ang noo ko sa pinagsasabi nito.

Tangina, kailan ko pa naging kasalanan yung ginawa niya?

"Eh tarantado ka pala e!" hindi ko napigilang saad at tumayo rin sa harapan niya.

Ano ba kala niya lagi ko palalagpasin mga ginagawa niya?

Okay lang na isisi niya sakin yung nawalan kami ng pagkain. Pero yung ginawa niya? Yung dahilan kung bakit nalagasan kami? Gago pala siya.

"Bakit mo sakin sinisisi yan? Diba kayo riyan ang tangang nag aaway malapit sa entrance?"

"And it's because of you!"

Parang gusto tuloy umusok ng bunbunan ko dahil sa lokaret na to.

Kahit siya na ang may kasalanan at gumawa ng bagay na yon, nakuha niya pa talaga na ibaling sakin ang sisi.

"Teka nga! Ano ba talagang nangyari?" naguguluhang tanong ni Sac.

"For sure naman na ang Yahiko na yan ang may kasalanan." sabat ni Alice at nag cross arms pa.

"Stop it, Alice," saad ni Axel. "Hindi natin alam ang buong nangyari, at silang tatlo lang ang nakakaalam. Kaya wag kanang makisali."

Siraulo rin pala tong babaeng to e. Edi sana pala tinulak ko nalang siya kanina, bwiset siya.

"Puwede ba? Hanggang dito ba naman? Sabihin niyo nalang ang totoo. We lost two people," saad ni Thalia at napahawak sa ulo. "Two lives are gone...."

Huminga ako nang malamim upang pigilin ang inis, atsaka nagsimulang mag salita.

"Katulad ng sinabi ng lokaret na yan," tukoy ko kay Rena at matalim na nakatingin dito.

Punyeta siya, ang sarap niyang bigyan ng isang flying kick.

"Anong sabi mo–"

Aalma pa sana ito dahil sa sinabi ko, pero pinigilan ito ni Enzo kaya wala siyang nagawa.

"Ano ba Rena!" aniya at bumaling sakin para ipagpatuloy ang sasabihin ko.

"Ako raw ang may kasalanan, kasi nag aaway sila tungkol sakin. Ayun nga nag aaway sila tapos biglang sinabi ni Gio sa kanya na," binigyan ko muna ito ng isang mapang asar na ngiti bago mag patuloy sa sinasabi ko.

"Mali ako na pinili kita," pang gagaya ko kung paano sabihin ni Gio sa kanya ang mga katagang iyon.

Ibig ko sanang matawa nang makita ang reaksyon ni Rena na parang sasabog na.

"Kaya ayon! Lumabas ang pagiging lokaret hinila yung kurtina sa glass door."

"What?!" gulat na saad ni Enzo at bumaling kay Rena.

"Dahil sayo!" galit na galit na lumapit si Enzo kay Rena.

Napasinghap kaming lahat ng hawakan nito ang damit ni Rena sa bandang leeg at hinila ito papalapit sa kanya.

"Dahil sayo kung bakit wala na ngayon si Kelra! At pati si Brian!"

"Enzo, huminahon ka...." pigil sa kanya ni Gio pero agad na binigyan ng sapak ni Enzo si Gio.

"Isa kapa!" sigaw niya rito. "Huminahon? Fuck you dude! Wala akong paki kung nandito ako ngayon sa pag mamay-ari mo. Dahil sa inyong dalawa ng girlfriend mo patay na sila Brian!" aniya at pinasadahan ulit ito ng sapak.

Yan nga! Bigyan mo, at baka sakin pa makatikim yan!

Inawat nila Axel si Enzo dahil hindi naman pumalag sa kanya si Gio.

Paano alam niya sa sarili niya na kasalanan nilang dalawa ni Rena.

"Tama na yan! Mas lalong walang mangyayari satin dito kung mag aaway pa kayo." saad ni Thalia.

Tumigil naman sila at nag kanya kanya kaming balik sa puwesto kung nasaan kami kanina.

Tumahimik ulit ang paligid namin at isang pag tunog lang ng tiyan ang tanging bumasag sa katahimikan.

Putangina, nakalimutan ko tuloy na gutom nako.

Punyeta kasi yang Gio at Rena na yan, hindi pa tuloy ako nakakain.

Napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo ulit ito. Parang gusto na magsalita ng tiyan ko dahil sa gutom.

Shet, daig ko pa ang buntis sa kakahimas ng tiyan ko.

Umalis muna ako sa tabi nila at nag ikot ikot dito sa loob. Baka kasi may mahanap ako na pagkain.

Nandito nga pala kami sa security room, at dalawang kwarto ang bumubuo sa silid na ito.

Pumasok ako sa kabilang silid para sana maghanap ng pwedeng makain. Kaya lang puro computers naman ang nandito, computer kung saan naka konekta ang mga cctv.

Puta, kung pwede lang kainin yan nginatngat ko na yan eh.

Sa kabilang banda naman, may isang pintuan na nagdudugtong sa emergency exit at nang buksan ko ito ay nakakita ako ng hagdan pababa at paakyat.

Kanina rin pala sa kabilang silid may nakita akong pinto ng elevator. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun.

Basta ang alam ko lang gutom na ako.

"Yahiko." tawag sakin ng kung sino mula sa likod ko.

Agad akong napaangat ng kilay ng makita ko ang mabahong pinsan ni Dione.

"Ano na naman. Tigil tigilan mo muna ako punyeta ganitong gutom na guto–"

Parang awtomatikong gustong tumulo ng mga laway ko dahil sa pinakita nito.

Muling tumunog ang tiyan ko na para bang nakaramdam ito na may nag pakita sakin ng pagkain.

"Ano yan?" tanong ko at bahagyang pinagkrus ang braso.

"Hindi kapa nakain diba?" saad niya at inabot sakin ang isang chocolate bar.

"Anong gagawin ko riyan? Nakakabusog ba yan?" saad ko at lumunok ng laway habang nakatingin sa hawak niya.

Muli na namang tumunog ang sikmura ko at para bang sinasabi na 'tangina mo kunin mo na yan gago'.

"Ayaw mo? Okay–"

Mabilis kong hinablot ang hawak niya at binuksan ito. Gutom na talaga ako.

Kulang pa 'to sakin sa totoo lang, pero okay na rin kaysa wala akong makain. Baka mangisay pako sa gutom dito.

"May sinabi ba ako."

Continue Reading

You'll Also Like

The End Dead By Cijey Shi

Mystery / Thriller

38.3K 806 50
... End of the line
10.5K 420 31
What if something that unexpected happens? What will you do to survive until the end? What will you do if a zombie apocalypse happens in real life? ...
65.4K 2.7K 34
(Completed) THE LAST SURVIVAL ESCAPE Escape Series #1 -:- If the zombies are approaching, there are two ways that we should actually make, to give ou...
9.4K 378 28
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...