抖阴社区

                                    

“Kakain lang natin, ah? And beside, I don't think that's safe to eat,“

“Arte nito, masarap 'yan. Tara.” sabay hatak ko sa maarteng Alex Shin na 'to.

Pag-dating namin sa siomayan umorder agad ako ng dalawang order ng siomai at isang large gulaman.

Maya-maya lang ay agad din binigay ni Ale ang order ko. Syempre agad ko kinain ang siomai ko. Ang sarap lalo na at may bawang yung sawsawan.
    

Tinignan ko si Alex na pabalik-balik ang tingin sa akin tsaka sa siomai.  “Hoy, bakit hindi ka pa kumakain?”
 
“No thanks.”

“Ang sarap kaya,” sabi ko sabay subo ng buo ang isang siomai.
  
“Para kapag dinala kita sa hospital, hindi din sumasakit tiyan ko.”

Ininom ko ang gulaman. “Ang arte mo naman. Ito tikman mo isa, oh!” sabay tusok ng siomai saka tinapat sa bunganga nya.
  
“Zennie, ayoko.”

“Isa lang dali na, para makapag-date na tayo.”

“Fine. Isa lang ah?”

“Oo, tapos ako na kakain ng iba mong siomai.”

Sa wakas kumain na din ng siomai ang maarteng Alex na 'to.
  
  
Nag-daan ang mahigit limang minuto nang matapos kami kumain ni Alex ng siomai. Ay, siya lang pala. Put-a Alex 'to, aarte-arte pa sa una, eh halos kalahatiin na niya ang paninda ni Ale.
  

“Ano tapos ka na?”  tanong ko.
 
Tango lang ang naisagot niya. Paanl sabay niya kinain ang dalawa siomai.
    

May naisip ako.
   

“Alex, alam mo ba kung saan gawa ang siomai na 'yan?”

Kunot noo at iling ang nasagot ni Alex.
  
“Sa daga at pusa---”
 
“Alex!”  sigaw ko nang bigla niya maibuga ang nginunguya n'yang siomai sa paanan ko.
    
“What the fvck? I eat mouse and cat?” iritadong tanong niya sa akin.
 
“Biro lang,” natatawa ko sagot.
  
“Wherever. I will not eat siomain again. Ever.”
 
Arte. Pero ang dami nakain.  “Bayaran mo na lang.”
  
Nag-abot ng 1,000 pesos si Alex “Keep the change.”
  
Wow! Yayamin talaga. Eh, halos limang daan ang nagastos namin.
    

Pagkatapos namin sa siomayan hinatak ko si Alex sa ukay-ukay store na kanina ko pa nakikita dito.
 
Pag-pasok namin ni Alex sa ukay-ukayan natawa na lang ako sa kaeertehang taglay niya. Patakip-takip pa ng ilong.
  

“Zennie, may mga chanel, gucci, LV clothes ba dito? O kahit mga branded lang na damit.”

“Gaga, walang branded clothes dito. Karamihan second hand,”

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon