抖阴社区

CHAPTER 24 (PART III)

1.3K 68 3
                                    

CHAPTER 24 (Part III)

ZENNIE ' s POINT OF VIEW




Tinanggal ko ang comforter na nakapatong sa mukha ko.



Kumportable naman ako sa higahan ko. Malamig ang hangin na linalabas ng aircon, at higit sa lahat komportable rin naman ako sa kasama ko ngayon dito sa kwarto. Si Waeil.



Sinulyapan ko si Waeil. Mahimbing siya natutog sa lapag.



Hindi ko naiwasan mapangiti habang tinitigan ang maamo mukha ni Waeil. Nakakagaan sa pakiramdam ang mukha niya habang natutulog. Para bang lahat maayos, wala problema kapag titigan ang mukha niya.





Mahaba usapin ang nanyari kanina bago namin napapayag si Jeffrey at Storm na si Waeil lang ang pinagkakatiwalaan ko makasama sa iisa kwarto at kung hindi si Waeil ang kasama ko mag-isa ako matutulog sa sala.





Dahan-dahan ako bumangon at lumabas ng kwarto. Naka-sindi pala ang lahat ng ilaw.



Pag-baba ko, napatalon ako sa gulat nang makita ko si Storm na naka-higa sa sofa.



Ang akala ko nasa third floor sila lahat?



Naka-baluktot si Storm, habang yakap-yakap ang sarili. Bakit naman kasi naisipan ng Tukmol na ito dito matulog? Tapos wala pa siya kumot. Eh, ang binili damit ni Ma'am Cloudyn sa amin eh shirt at short lang. Ang lamig-lamig pa naman dito sa sala.



Tumaas ulit ako sa second floor at dahan-dahan pumasok sa kwarto. Pag-pasok ko kumuha ako ng comforter sa kabinet na nandito.




Pag-kuha ko ng comforter, dahan-dahan ulit ako bumaba at maingat ko kinumutan si Storm.



"Matutulog pala dito, hindi kumuha ng kumot sa kwarto."



Napatingin ako sa glass door, kung saan tanaw ang labas.



Wala siguro masama kung lumabas muna ako saglit.





Pag-labas ko, ang malamig na sariwang hangin ang sumalubong sa akin. Medyo gininaw ako.



Si Ma'am Cloudyn, pumunta dito para dalhin ang mga uniform namin para bukas at dalhan kami ng tig-iisa pares ng short at shirt kanina.





Nag-lakad pa ako ng ilang hakbang.



Napanguso ako nang maisipan ko pumunta sa tabi dagat, ang kaso mukha malayo mula dito ang dagat.





Ilang minuto pa ako tumambay dito sa labas nang maisipan ko pumasok na.



Mag-lalakad na dapat ako papasok nang may kumalabit sa akin mula sa likod ko, pag-tingin ko si Rehan.



"Want to come with me?"



Pa'english-english pa ang Mokong.Gabing-gabi na, ii-english-in pa ako. Sarap sapukin.



"Saan naman?"



"Sa dagat."



"May dala ka sasakyan?"



Ipinakita ni Rehan sa akin ang isang susi ng sasakyan. "Wala. Pero hiniram ko ang sasakyan ni Hendery."



Napangiti ako. "Tara!" Exited ko wika.









* * * *









Nakaupo kami ni Rehan habang nasa harapan namin ang dagat, malapit sa bonfire at mga bituin mula sa kalangitana ang nag-nagsisilbing mas malinaw na liwanag namin.



Tinitigan ko ang bawat alon ng dagat.



Sa iba siguro ay ang sarap pakinggan ng alon ng tubig, gumaan ang pakiram nila kapag nadidinig ang bawat hampas ng karagatan.



Pero hindi sa akin. Bawat alon ng tubig para bang isang bangungot sa akin, bangungot na hindi ko alam.






♬♬♬ Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik ♬♬♬





Napatinging ako kay Rehan nang bigla siya kumanta.





♬♬♬ Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin ♬♬♬





Sa kanta ni Rehan, medyo gumaan ang pakiramdam ko.





♬♬♬ Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid ♬♬♬





Wala pa din kupas ang boses ni Rehan. Ang ganda pa din. Nakakagaan ng loob.





♬♬♬ Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib (sa aking dibdib)

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw... ♬♬♬





Nang matapos kumanta si Rehan eh pareho kami napa-ngiti sa isa't-isa.



"Naalala mo ba ang kanta iyan?" Tanong ni Rehan sabay tingin sa dagat.



Tumingin ako sa dagat nang may ngiti sa aking labi. "Oo naman. Paano ko makakalimutan 'yon? Lagi mo kinakanta sa akin iyon dati." Natatawa ko sagot habang inaalala ko kung paano ko siya ipagtabuyan noon sa tuwing kinakantahan niya ako non.



"Tapos itataboy mo ako."


"Nakakairita ka non eh," Biro ko pero totoo naman. Naiirita talaga ako kay Rehan noon.





Bakit kasi binabalikan niya iyong nakaraan? Pati tuloy ako naalala ko kung paano ko siya pag-tabuyan at nang mawala siya saka ko napag-tanto kung gaano siya kahalaga sa akin. Kung gaano ako nag-sisi sa mga pinaggagawa ko sakanya.




"Hindi ko maiintindindihan noon, bakit kahit nag-mumukha ako tanga sa harapan ng ibang tao gusto ko pa din suyuin ka? Bakit ang sakit noong napahiwalay ako sa'yo? Ang saya ko noong sinabi mo namiss mo ako noon, na huli na ng marealize mo gusto mo din ako. Pero ang sakit din noong sabihin mo agad din iyon nawala."



Nag-sinungaling ako.



Hindi ganoon kadali kalimutan ka, Rehan. Mag-mula nag hindi na kita nakikita wala ako ginawa noo tuwing gabi kundi ang umiyak habang inaalala ko ang pag-taboy ko sa'yo at ang pag-suyo mo sa akin.



Mga bata pa noon tayo, kaya hindi ko maiintindihan kung bakit ako nagka-ganoon sa'yo. Wala ko iba nagustuhan, wala ako iba gusto makita noon, wala ako iba gusto makasama. Kung hindi ikaw, Rehan.



Noong nawala ang lahat sa akin, ikaw lang ang nasa isip ko at napaka dami 'Paana kung' sumasagi sa isipan ko.



Paano kung, napag-tanto ko gusto din pala kita noon? Will you stay with me?



Paano kung, hindi ako umalis? Tayo na kaya? Hanggang ngayon kaya ay tayo pa din?



Paano kung, hindi ko ipinilit ang sarili ko kalimutan ang nararamdaman ko para sa'yo? Ngayon kaya eh may pagkakataon na tayong mag-mahalan.



Pero ngayon, kahit ano gawin natin. Hindi na p'wede. Ayoko.







"Pero kahit ganoon . . . "



Tumingin ako kay Rehan. Nakatingin pala siya sa akin.




Ang mga mata ni Rehan parang isang maningning na bituin ngayon. Ang ningnig, dahil sa luha niya nag-babadya bumaba papunta sakanya pisngi, na sinabayan ng liwanag ng apoy.



"May pagkakataon na nainis ako sa'yo noon, Zennie. Kasi, bakit? Bakit, hindi mo ako magustuhan? Bakit, hindi mo ako binibigyan importansya?"



"Rehan . . . "



"Zennie, seven years and still you."





Naiwan ang panga ko sa hangin. Seven years? Mula grade 3 kami hanggang ngayon? Ako pa rin?




Hindi ko na napigilan ang luha bumaba pababa sa pisngi ko. Tangna. Pinilit ko kinalimutan ang nararamdaman ko para kay Rehan eh, kasi akala ko hindi na kami magkikita ulit. Akala ko, hindi mabibigyan ng pagkakataon na mahalin din siya. Tapos ito ngayon? Nagkita kami ulit at sinasabing seven years and ako pa rin?





Hinawakan ni Rehan ang kanang pisngi ko. "Ikaw lang ang gusto ko mag-mula noon hanggang ngayon, Zennie. Ngayon, wala ako pake kung magalit ka sa akin sa pag-amin ko sa'yo. Paninindigan ko ang pag-amin ko sa'yo." Kasabay non ang muli pag-baba ng luha ni Rehan sa pisngi niya.





Napapikit ako. Ayoko makita umiiyak si Rehan, nang dahil lang sa akin.




Tinanggal ko ang kamay ni Rehan na nakahawak sa pisngi ko at tumingin ulit sa dagat. Magiging saksi ang karagatan kung paano ako masasaktan.





"Huwag ako, Rehan. Huwag ako ang mahalin mo. Hindi mo ako p'wede mahalin." Sambit ko.



Masasaktan ka lang sa huli.




"Isipin natin na hindi nangyari ang gabing ito." Dag-dag ko wika.








✿❯────「✿」────❮✿




[ 😊💗💙 ]

Salamat po sa (mga) nag-papatuloy basahin itong story. Atsaka kung may new reader, sobrang salamat din po.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon