CHAPTER 99
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Ayoko talaga kay Cinderella noon kasi sobra bait ng character niya. Pinayagan niya yung sarili magpa-api sa step sister at step mom niya, putaragis. Nagustuhan ko lang naman si Cinderella noon bata ako dahil sa kulay ng gown, favorite color ko yung blue eh.
Tapos, ngayon naka Cinderella costume nanaman ako at gagawin ang mga ginawa niya. Tangina. Dapat nagpa-bayad ako kina Bryan at Rey ng talent fee ko eh.
Tinignan ko ang script na binigay sa akin kanina. Hindi ko pa tapos panoorin itong kwentong 'to eh. Curious ako kung hinanap ni Prince Charming si Cinderella nung tumakbo siya ng alas dose.
Nung practice kasi naman hindi kami matapos-tapos dahil sa kaingayan nung apat na sina Andrew, Rehan, Waeil, at Hendery. Kaya mamaya bahala na. Mag-lalagay kami ng earphone sa tainga at sasabihin nila Bryan ang gagawin namin at sasabihin.
“Bes, tapos ka na pala ayusan. Babae ka nanaman.”
“Tangna ka, babae naman talaga ak——aray ba't ka namamalo ng bibig?”
“Napaka hilig mo mag-mura Bes, bawasan mo.”
Napakamot ako ng batok. “Hindi ko mapigilan eh. Hehehehe...”
“Ihahatid kita papunta theater room, nandoon na yung iba pati si Storm.”
Tangna, hatid-hatid pang nalalaman. Eh, nandito lang naman ako sa classroom nila Bryan, pero sabagay malayo-layo ang theater room dito.
Ang mga manonood mga studyante rin dito sa HIS at mga Teacher na gusto mapanood gagawin naming play. Sa dami ng tao nakasalalay ang grade ng buong Section nila Bryan.
“Bes, hindi mo ba talaga sasabihin sa'kin kung sino na napili mo?”
Tinignan ko si Jeffrey. Ba't naman kaya bigla niya natanong nanaman ang pili na 'yan?
“Kasi Bes, team ZenTorm ako!”
Tsk. Lintik na 'yan akala ko kung ano na ang sasabihin.
“Kasi Bes, sigurado ako hindi ka sasaktan ni Storm.”
Utot mo mabaho, Bes.
“Bes, naalala mo mas late na pumasok si Storm kaysa sa'yo?”
Naalala ko. Gago, Tukmol 'yon. Lakas ng loob palayasin ako non eh hindi pa naman pala enrolled dito sa HIS at kumukuha pa lang ng acceleration exam.
Tama!
“Kumuha siya ng acceleration exam diba?”
“Hmmm, Bes. Kumuha ng acceleration exam si Storm, dahil tumigil siya ng isang taon para mag-hanap.”
Mag-hanap? Eh, ang sabi ni Brena noon, pumunta sa iba't-ibang bansa si Storm bago siya umuwi dito sa Pilipinas at kumuha ng acceleration exam. Gago, Brena 'yon umpisa pa lang nag-sisinungalin na sa'kin?
“Nung bigla nawala sina Sofia at Beverly, hinanap ni Storm si Sofia sa iba't-ibang bansa ng isang taon kaya siya huminto sa pag-aaral.”
“T-Talaga?”
Oh, eh. Kaya naman pala nung nakita ng Tukmol na 'yon si Sofia, lumuhod pa. Putangna. Tapos, fiancè pa niya si Sofia. Sobra saya siguro ng Gago Tukmol na 'yon. Edi, mag-sama sila dalawa.
“B-Bes, huwag ka umiyak, hindi pa ako tapos mag-kwento.”
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ay puta! Bakit may mga luha nagsisibaba sa mga pata ko pababa sa pisngi ko?!
“Bes, nag-seselos ka?! Nag-seselos ka?! Bes?! Ano?!”
Lintik na kaibigan 'to. Ngiting-ngiti pa makita ako umiiyak.
“Ibig sabihin si Storm, Bes?! Si Storm?!”
“E-Ewan . . . ” Sagot ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
“Anong ewan, Bes?”
“Ewan ko sa'yo. Tara na don.”
Lumabas na kami ni Jeffrey sa classroom na iyon at pumunta na theater room.
Habang nag-lalakad kami dalawa kung ano-ano sinasabi ni Jeffrey sa akin. Nakakarindi nga puro pangmamayabang kay Storm ang sinasabi niya.
“Bes, si Storm na ba pipiliin mo?”
“Sigurado ako, hindi ka iiwanan ni Storm.”
“Hindi ka sasaktan ni Storm.”
“Wala iba babae gusto si Storm, ikaw lang.”
Hanggang sa makarating kami sa backstage ng theater room wala iba buka-bibig si Jeffreh kundi si Storm ganyan, si storm ganito, EH ALAM KO NAMAN LAHAT NG SINASABI NIYA TUNGKOL SA TUKMOL NA 'YON.
“ZENNIE!”
Mabilis na lumapit sa amin sina Bryan at Rey kasama ang mga kaklase niya nandito sa backstage.
“Si Storm, wala dito. Hindi namin siya mahanap. Kanina nandito lang siya, ngayon hindi na namin siya mahanap. Malapit na mag-umpisa ang play.”
Ganito pala ang ending ng fairytale na hindi ko natapos. Wala happy ending.
Napangiti. Nakalimutan ko ang isa sa mga tungkol kay Storm. Iyon ang . . . . . .
“Huwag kayo mag-aalala wala na problema!”
Sabay-sabay kami napatingin sa sumigaw non. Si Hendery.
“My Labs ko!” Masaya tawag ni Hendery sa akin saka siya lumapit sa amin.
“Saan galing ang costume mo?” Tanong ni Bryan.
“Pinagawa ko noon pa, alam ko kasi ako lang ang prinsipe ng My Labs ko. Papakidnapin ko nga dapat si Storm para mawala siya sa eksena, pero mukha hindi ko na kailangan gawin iyon.”
Wala pa ako nababasa sa mga fairytale na mayroon iba Prinsipe ang isang Prinsesa.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...