CHAPTER 45
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Kinuha ko ang cellpone sa coat ko para tignan ang oras, pero ang bumungad eh ang tawag ni Jeffrey.
[“Best, nasa'n ka na ba?”] Bungad ni Jeffrey sa kabilang linya.
“Papunta na sa conference room.”
[“Bilisan mo.”]
“Gege.” Sagot ko at inend call ko
09:45 am na pala.
“Excuse me, miss.”
Napahinto ako sa pag-lakad. Amoy pagkain.
“Itatanong ko lang kung saan ang conference room dito,”
Tinignan ko ang nag-tanong. Isang babae na may edad na pero maganda pa rin. Pero sa bihis niya, mula sa damit, bag, sapatos, eh mukha mayaman siya.
Napasinghot ako nang may pamilyar ako naamoy na pagkain.
“Bakit ka sumisinghot, miss? Mabaho ba'ko?”
“Ay hindi po. Sorry po. Pamilyar lang po kasi yung amoy na pagkaing dala n'yo.”
“Galing kasi sa restaurant ko itong dala ko. Baka nakakain ka na sa restaurant ko.”
“Baka nga po.” Sagot ko na lang para hindi ako mapahiya at mag-mukha aso sa paningin niya.
“Ano nga po pala ang tinatanong n'yo?” Pag-iba ko ng usapan.
“Ay oo nga pala. Alam mo ba kung saan ang conference room?”
“Opo,” Mabuti na lang at naitanong ko iyon kagabi kay Yuta habang kumakain kami. “Doon din po ako papunta. Sabay na po tayo?”
“Great idea. Let's go.” Sabi ng babae.
Habang nag-lalakad kaming dalawa ng Ale nanununtok sa ilong ang amoy ng pagkain na dala niya. Pamilyar talaga ang amoy eh, hindi ko lang talaga maalala kung saan ko naamoy eh.
“Alam mo miss, gusto sana kita bigyan ng dala ko pagkain.”
Napatingin ako sakanya. Ganoon ba ka-obvious na natatakam ako sa amoy ng dala niya pagkain?
“Kaso kasi sa anak ko ito. Kinu-kwento niya sa akin na may isang babae kasi siya shi-ne-sheran ng luto ko. Eh medyo matalar raw yung babae,” Natatawa kwento ng babae.
Tumawa ako ng mahina. Nakaka-relate ako don sa babae kinu-kwento niya eh.
“Ganito na lang. Sabihin mo ang pangalan mo sa akin at section, para sa susunod ko pag-punta dito maipgluluto din kita.”
Biglang nagningning ang mga mata ko at nag-saya ang mga bituka ko sa loob ng katawan.
“Talaga po? Ipagluluto n'yo din po ako?” Masaya ko tanong.
Eh, sa amoy palang kasi ng pagkaing dala niya para ang sarap-sarap na niya mag-luto.
“Oo naman. So tell me your name and section.”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...