Makapasok sa Heirs International School, check.
Maging scholar ng Heirs International School, check na check na check!!!!
KUMAKABOG ANG DIBDIB KO SA SOBRA-SOBRA KABA. Unang araw ko ngayon dito sa HIS.Late ako ng one week dahil sa kaganapan sa buhay ko. Sobra saya ko dahil sa wakas nakapasa ako bilang full scholar ng skwelahang ito.
Kung hindi lang talaga sa kagustuhan ng Kuya Zennry, hindi ako mag-titiyaga mag-review at hindi mag-aaral sa prestigious-elite school na ito. Sa tuition fee pa lang para sa mga katulad ko grade 10 eh tumataginting na ng 450, 000 pesos plus yung iba pang mga bayarin.
“Good morning po manong guard,” bati ko pag-lapit sakanya.
Ipinakita ko kay manong guard ang school I.D. ko. Hindi pa kasi ako nakakabili ng uniform, kaya naka high ways pantalon ako tapos off shoulder na blouse at naka class A kulay asul converse rubber shoes.“Bagong studyante?” Tanong sa akin na tatawa-tawa pa.
Medyo matanda na itong si Manong G. Para mag-trabaho pa.“Opo.”
"Welcome dito sa HIS at good luck sa'yo."
Hilaw akong ngumiti dahil sa sinabing 'yon ni manong guard. Parang nanakot sa pa'good luck eh.Iniwan ko na roon si manong guard at nag-lakad papunta loob ng campus para hanapin ang student council room. Iyon ang sabi sa akin ng staff ng school nong pumunta ako nung sabado rito, para mag-pasa ng mga requirements at para sa I.D. picture.
Maganda at mukha sobra laki nitong HIS.Nadaanan ko ang malawak na day-care, kinder at elementary building. Bawat classrooms ay mayroon nakalagay na aircon. Mayroon ako nadaanang malawak na playground, mayroon doon na seesaw, duyan at yung pag-slide. Mukha mini campus na nga ang lugar ng mga elementary dito eh. Ang kinagandahan eh kahit saan may makikita ka puno sa paligid, kaya hindi mo aakalahin na nasa Manila ka kapag nandito sa campus na 'to.
Huminto ako sa pag-lakad dahil sa pagod. Tinignan ang paligid kung nasaang lupalop na ng HIS ako napunta.
Mga fifteen minutes na ako nag-lalakad-lakad pero hindi ko pa din nahahanap kung nasaan ang student council room. Wala naman na ako ulit mapag-tanungan. May nakita ako isang studyante lalaki kanina sa basketball court kaso ang sungit. Mag-sasalita pa lang ako pinalayas agad ako. Akala mo may-ari ng basketball court eg. Kahit de-aircon ang court ng HIS uminit ulo ko sa lalaking 'yon.
Umupo ako isa sa mga benches dito, kung saan tanaw na tanaw ko ang open field. Grabe! Ang lawak ng open field ng HIS, parang kasing lawak ng isang mall.
Habang tinitignan ko ang open field hindi ko maiwasan mapa-ngiti. Pamilyar itong open field sa akin, parang may nangyari dito sa open field na dapat ko alalahanin. Hay! Sa pagod ko kung ano-ano na ang pinag-iisip ko.
Tumayo ako at nagpa-tuloy na sa pag-lakad.
Napasinghap ako habang nag-lalakad. Nalibot ko na ata halos ang buong HIS pero wala pa ako nakikita student council. Sa mga classroom namang nadaanan ko lahat sarado, class hour eh.
Wala man lang bang kahit isang pagala-gala stu- "STUDYANTE!" sigaw ko sa tuwa.
Sa wakas may nakita na ulit ako isang studyante.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...