WRITER NOTE : Hellooo! Hiiiii! Ito po yung I'M WITH THE SECTION F na story. Pero pinalitan ko ng title na, I'M WITH THE SECTION ARES.
Same story, same plot, same characters parin, ang name lang talaga ng section ang nag-iba. Matagal ko na talaga gusto palitan ang name ng section nila iih.
ENJOY READING!!!!! 😊❤💙
✿❯────「✿」────❮✿
CHAPTER 72
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
GAG-U TUKMOL. Bakit dito sa rooftop ng dati nilang building pumunta? Wala naman siguro siya balak na kung anong hindi maganda diba?
Kanina pag-bukas ni Jaylen nung pintuan ng classroom eh umalis siya at sinundan naman nila Charlie, samantalang si Storm nakita naming naka-handusay sa lapag at may dugo sa ibabang labi.
Walang may alam isa sa amin kung ano pinag-ugatan ng biglaang away ng dalawa na humantong sa pag-gulo sa buong classroom at suntukan.
Pero parang si Jaylen lang nakasuntok, kasi wala man lang siya hit isang sugat bukod sa namumula niyang mga mata.
Nung lumabas naman si Storm sa classroom, nakita ko na lang ang sarili ko tumakbo din palabas at sinusundan siya, hanggang sa makarating dito sa rooftop ng dating building ng classroom nila.
Napatitig ako kay Storm nang bigla itong umiyak. Ilang minuto nag-tagal ng wala tigil sa pag-baba ang mga luha ni Storm mula sa mga magaganda niyang mata. Pinipigilan niyang hindi maiyak pero sa tuwing ginawaga niya iyon eh nahihirapan siya huminga.
Matapang, pasaway at palaban si Storm eh. Ngayong nakikita ko siya ganito, parang iba Storm ang nakikita ko. Mahinang Storm ang nakikita ko.
Iwanan ko kaya? Baka kasi kailangan niya mapag-isa, baka gusto niya ng privacy. Pero, baka kapag iniwanan ko siya, baka kung ano gawin niyang hindi maganda.
Tinignan ko ulit si Storm. “Ay putangin-ang baka!” Gulat ko wika nang makita ko nasa harapan ko si Storm at naka-upo sa tapat ko.
Kelan pa pumunta sa harapan ko si Storm? Tapos kawawa naman yung baka-ng nabanggit ko, namura ko dahil sa gulat.
Bigla tumawa si Storm, kaya tumawa ako pang aso. 'Buti na lang hindi siya nag-tatanong kung ano ginagawa ko dito, kasi hindi ko alam ang isasagot sakanya.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...