抖阴社区

CHAPTER 70

1.1K 48 6
                                    

PAG-BABA ko uli sa dining area naabutan ko ang iba na nakahiga sa sahig tapos yung iba sa mesa, meron din nag-sususka.
 

Walangya! Mga kalalaki tao napakadaling malasing.
  

Linapitan ko si Jaylen. Isa pa 'to Mokong na 'to eh. Nakita ko kanina pagka-inom na inom niya ng wine sa wine glass niya bigla nakatulog agad. Lintek na napaka hina nilalang.
     
 
Binuhos ko ang buong lakas ko para dalhin sa sala si Jaylen at ihiga sa sofa-ng mahaba nandito.
      

Birthday celebration ko raw, pero pinahihirapan ako sa pag-aalaga sakanila. Kami lang ata ni Charlie ang hindi nalasing sa wine. Sa wine na 30% alcohol.

 
“O-Oh! Epal ka!”  Sigaw ko sabay sipa kay Storm. Hihiga pa sa sofa ang Tukmol, eh ihihiga ko nga si Jaylen don. Kailangan ko magpa-good shot kay Jaylen, aba hawak niya matindi ko sikreto eh.

 

Pag-higa ko kay Jaylen sa sofa eh tinignan ko naman ang Mokong na nakahiga sa sahig. Epal naman nito.
  

Sinipa ko ng mahina si Storm. “Lamigin ka d'yan letse ka.” Inis ko sabi sakanya at tinalikuran na siya.
 
 
Zennie,”   huminto ako sa pag-lakad at hinarap siya.
 

Hinintay ko kung may sunod pa siya sasabihin sa'kin.

 
“Help me,”  nakapikit niyang wika.

 
Linapitan ko si Storm at isinandal sa sofa-ng hinihigahan ni Jaylen. “Hanggang ganyan lang maitutulong ko sa'yo.” Sabi ko.
  
 
Nakapikit at yukong umiling si Storm. “Help me to forger her, please.”

 
Muntik ko bangasan mukha ni Storm, pasalamat siya lasing siya kundi baka kung ano nagawa ko sakanya. Letse! Gag-o.

 
 
 
 
 
 
 

 
Pag-bukas ko pintuan ng classroom napatigil ako nang may bumuhos sa'kin na malamig na malamig na yelo. Yung mga studyanteng napapadaan sa classroom namin eh napaptingin sa'kin. Malamamg sinong hindi mapapatingin sa'kin kung umagang-umaga ito bubungad.  
 

Tinignan ko kung sino ang nasa loob ng classroom. Si Storm. Ngiting-ngiti pa siya nakatingin sa akin. 
 
  
Pumasok ako ng maaga para hindi siya makita sa bahay tapos siya bubungad sa akin na may ganito pa.
     
 
“Naabutan mo na ngayon, yung yelo!”  Tumatawang wika ng Tukmol.
  

Hindi ko siya pinansin, dumiretso ako sa locker ko para kuhanin ang P.E. uniform, tapos lumabas ng classroom. 


  

Pag-palit ko ng P.E. uniform tapos tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Maliit na lang yung pasa kaya hindi na pansinin.
   

Pag-labas ko naman ng C.R. muntik ko bangasan si Storm nung gulatin ako tapos pinicturan gamit ang cellphone.
   
 
“Ano ba—”  Hindi ko natuloy sasabihin ko nung may ihambala siya sa mukha ko ng isang maliit na tumbler.

“Hot choco laman niyan.”  Ngiti niyang sabi sa'kin. 
 

Kinuha ko ang tumbler saka siya iniwan. Kasalanan naman niya kaya ako nilalamig ngayon eh.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon