YUTA ' s POINT OF VIEW
Are you really dead, Zennry?
Who killed to you and to Tito?
May ideya ba si, Zennie tungkol sa pagkatao niya?
━━━━━━ • ✿ • ━━━━━━
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Kain tayo McDo, Yuta.”
Sinamahan ako ni Yuta ngayon sa pag-dalaw kina Daddy at Kuya. Ngayong november 03, ko kasi naisipan bisitahin sila. Eh, kung November 01 o kaya kahapon sigurado madami tao sa sementeryo at traffic.
“Oy, Yuta. Ayos ka lang?”
Kanina pa siya ganyan, simula umalis kami sa sementeryo. Parang ang lalim ng iniisip.
Sinamahan ako ni Yuta sa sementeryo. Nung una ayoko, kasi sigurado ma-ta-traffic kami, eh kaso nag-pumilit siya.
“Yuta!”
Bigla pi-ne-reno ni Yuta ang sasakyan. Mabuti na lang wala kami kasunod na sasakyan.
“Why are you shouting?” Iritado tanong ni Yuta.
“Kain kako tayo sa McDo.”
“Kailan mo sinabi?”
“Kahapon. Malamang ngayon. Ano ba kasi iniisip mo?”
“Nothing.”
Nag-drive ulit si Yuta at dumiretso sa drive-thru ng McDo.
Pag-uwi sa boarding house eh hinapag ko na ang pagkaing ti-nake-out galing sa McDo.
Isang linggo na rin tahimik ang boarding house na ito. Pag-tapos ng halloween party last week hindi ko pa nakikita ulit ang ibang Mokong. Medyo nakakamiss din pala ang kaingayan nila, lalo na't si Manong Yuta lang ang kasama ko ngayon short break namin.
Pag-ayos ng pagkain eh umupo ako at hindi muna tinawag si Manong Yuta. Bigla ko naisip si Andrew.
Hindi ko alam kung paano ko n'yan pakikitunguhan si Andrew. Act normal lang ba? Iyong bang parang wala nangyari aminan nong halloween party? Pero paano? Isa si Andrew, sa mabait ko kaibigan. Ayoko siya saktan, ayoko din siya paasahin.
Kung iisipin. Napaka ideal man na ni Andrew. Mabait, matalino, gwapo, mayaman. Tapos nagka-gusto siya sa katulad ko? Parang nakaka-gago naman non.
“Ang lalim naman ng iniisip mo?”
Napa-ayos ako ng upo nang sumulpot si Yuta sa tabi ko.
“Anong iniisip mo?” Tanong ni Yuta habang kinukuha ang lagyanan ng spaghetti at doon kumain.
“Hoy, Yuta! Pahingi ako ng spaghetti!”
Ang gago bigla lumayo ng dalawa upuan sa akin habang kinakain ang pang isang pamilyang spaghetti.
Ipinakita ko kay Yuta ang nuggets saka linamon iyon lahat sa harapan niya.
“Zennie!”
Linaklak ko din ang paborito naming coke float.
“Zennie!”
“Ha!” Masaya ko sigaw pag-tapos ko inumin ang tatlong monster float ng McDo.
“Inubos mo lahat ng coke float.”
Ngiting-ngiti ko inabot sakanya ang nag-iisang coke. “Ayan oh, coke.”
“Zennie!”
Tumakbo palabas ng dinning area nung tumayo na si Manong Yuta. Mukha sasapakin na ako dahil sa coke float.
Kung bakit naman kasi pinilit ko pa kumain si Yuta ng McDo, ayan tuloy mukha bulkang sasabog kapag inagawan ng paborito niyang coke float at chicken nuggets.
“Zennie! Humanda ka sa akin!”
Tinignan ko si Yuta sa likod. Puta. May hawak na walis tambomg ipampapalo sa akin. Galit na talaga siya. Lagot ako.
“Inubos mo Mc spaghetti ko eh!”
“Dalawa ang binili ko spaghetti!”
Tangna, bakit hindi ko napansin?
Pag-labas ko ng bahay nahinto ako sa pag-takbo nang makita si Tito Ricky na nakatayo.
“Good eveing po, Tito. Ano po ginagawa n'yo dito?” Tanong ko.
“Sinusundo ka iha.”
“Ha? Saan po tayo pupunta?”
“I-mi-meet na natin ang fiance mo.”
Anak ng puta. Hindi pa rin pala tapos ang fiance kunong 'to? Ayoko harapin ang fiance kuno kong iyon. Pag-tapos niya ko hindi siputin nung nakipag-kita ako sakanya sa milktea-han.
“ZENNIE CRUZ!”
Mabilis ko hintak papasok ng kotse niya si Tito Ricky. Mas ayoko harapin ang galit ni Yuta.
* * * *
Dinala ako ni Tito Ricky sa parehong pinag-dalhan niya sa akin na VIP restaurant noong mi-neet namin ang kaibigan nila ni Daddy.
Lintek. Nilalamig ang paa ko. Ang lamig naman kasi ng aircon dito tapos naka-tsinelas lang ako. 'Buti hindi pa ako nakakapagbihis ng pambahay at nakapantalon pa ako, kung hindi baka buong pagkatao ko ngayon eh nilalamig na.
Kung bakit, naman kasi hindi matapos-tapos ang pag-meet ang greet ko sa fiance kuno ko o kaya hindi siya mag-pakita ng matapos na.
Pero sino kaya ang fiance kuno sa mga Mokong? Si Johnny kaya?
Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog ito. Lintek, hindi kasi ako nabusog sa tatlon monster float at nuggets tapos hinabol pa ako ni Yuta.
“P'wede ka na kumain, Zennie. Nasa elevator na daw sina Erick, kasama ang anak niya.”
Ngiti ako tumango at inumpishan ng kumain.
Habang kumakain hindi ko mapigilan kabahan at isipin kung sino sa mga Mokong ang nakita ko noong bata kami at nagustuhan ko pa raw.
Uminom ng tubig. Maisip ko lang na isa sa mga ang nagustuhan ko parang masusuka ako.
Gwapo silang lahat at cute. Pero, siguro dahil nakakasama ko sila araw-araw parang hindi ko ma-isip na isa sakanila nagustuhan ko noong bata ako.
“Zennie?”
Napatayo ako at hindi sinasadyang maibuga sa pag-mumukha niya ang tubig.
Sa lahat ng Mokong, siya pinaka huling nasa listahang nasa isip ko, o kaya hindi ko naisip na siya ang tinutukoy nilang fiance ko.
“Zennie! / Jaylen?!”
Pinunasan ni Jayleb ang sarili habang ako eh parang matatae nung umupo.
Bakit si Jaylen?
Paanong si Jaylen?
Siya?
“Mukha close na nga kayo dalawa.” Natatawang wika ni Tito Erick.
Linagok ko lahat ng tubig na nasa bawat wine glass. Pag-kuha ko ng wine glass na may tubig ni Jaylen eh napatingin ako sakanya. Nasamid ako nang nakatingin din pala si Jaylen sa akin.
Pagkatapos ko inumin lahat ng tubig eh saka ako nakahinga ng maayos.
Pareho kami hindi makapaniwala nag-titigan ni Jaylen. Ngayon ko lang napansin na naka-ayos pala siya. Naka tuxedo at naka-taas ang bangs niya na mas nag-pa-gwapo sakanya.
“Mag-c-cr lang po ako.” Paalam ni Jaylen.
Sinundan ko ng tingin si Jaylen hanggang sa makalabas siya ng kwartong ito.
Hanggang ngayon hindi parin pumapasok sa utak ko na si Jaylen ang, fiance kuno. Naging fiance ko siya dahil inayo ko siya noong bata kami?
“Mag-c-cr lang po ako.” Paalam ko din at mabilis na lumabas.
Para ako masusuka kapag naisip na si Jaylen? Gusto ko si Jaylen noong bata kami? Paano nangyari 'yon?
Nahinto ako pag-lakad ng mayroon masipa isang maliit na kulay pula box. Pinulot ko ito.
Parang ganito iyong lagyanan ng nakita ko noong singsing ni Yuta.
Binuksan ko ang box.
Singsing nga ang laman. Ang ganda ng singsing. Yung palasuotan ng daliri mayroong maliliit na diamong at yunh disenyo ay mayroon isang bilog na diamond. Totoo kaya itong mga 'to?
Nagulat ako nang may bigla kumuha ng box.
Si Jaylen.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...