抖阴社区

CHAPTER 22

1.5K 65 11
                                    

CHAPTER 22

ZENNIE' s POINT OF VIEW

Halos apat oras na kami naka-kulong ni Storm dito sa Laboratory room pero wala pa ang pumupunta dito na ibang tao. Wala naman kami dalang cellphone. Yung akin nasa bag tapos, iyong sakanya naiwanan daw sa boarding house.


Nagpalakad-lakad ako habang nag-iisip kung paano kami makakalabas. Pero wala! Wala ako maisip na paraan! Punyeta.


Wala naman ako mapapala kung sisigawan ko ng sisigawan itong si Storm eh. Mukha wala talaga siya balak mag-isip kung paano kami makakalabas ng Laboratory room.


"P'wede ba, Zennie huminahon ka diyan."

Tinignan ko si Storm. Nakahiga at nakapikit pa siya.

"Wala tayo magagawa kung hindi ang mag-hintay dito na ibalik ang mga laboratory equipments."

Huminga ako ng malalim bago umupo isa sa mga high stool chair.

Tama.

Iyon lang ang magagawa namin ni Storm ngayon. Ang mag-hintay na ibalik ang mga lab equipments na dinala nila ABC at Theo.


Sino ba naman kasi studyante ang pupunta dito sa laboratory room ng wala dahilan?


Nakunot ko ang sarili noo nang sumagi sa isip ko ang mokong na sina ABC at Theo. Sila ang huli nasa labas ng lab room bago kami pumasok ulit dito.



Napatayo at nahampas ko ang lamesa. "ABC! Theo!" Inis ko sigaw sa pangalan nila dalawa. Humanda ang dalawang iyon sa akin pag-labas namin dito.


Napatalon ako sa gulat nung bigla nasa tabi ko si Storm na salubong nanaman ang kilay.

"Oh? Bakit?"

Nagulat ako nang bigla hampasin ni Storm ang lamesa. "Ngayon sina Albert at Theo naman?"

Kumunot ang noo ko sa pag-tataka. Ano nanaman ang pinagsasabi nitong Tukmol na ito?

Lilipat na lang dapat ako ng ibang pwesto nang bigla hawakan ni Storm ang kaliwang braso ko at iniharap niya ako sakanya sabay hawak sa kanan ko braso.

Agad ako nag-pumiglas pero sa bawat piglas ko mas hinihigpitan niya ang pag-haawak sa braso ko.

"Ano ba problema mo?!" Sigaw ko sa mukha niya.

"Ikaw!" Turo sa akin. "Ikaw ang problema ko!" Dag-dag na sabi.


Kung marunong ako mag-taas ng isang kilay, tinaasan ko na siya ng isang kilay itong Tukmol na'to. Para kasi sira-ulo. Hindi ko naman siya inaano eh.



"Pinag-sasabi mo?"

Wala ako nagawa nang ilapit ni Storm ang mukha niya sa mukha ko. Ang mabigat na pag-hinga niya eh ramdam na ramdam ko at amoy na amoy. Ang bango. Ang sarap langhapin.


"Ikaw? Anong ginagawa mo?"

Linalanghap ang mabango hininga mo.

"Nakatayo?" Patanong ko sagot.

Naiwan sa hangin ang panga niya sa sagot ko. Ano ang sinabi ko masama?

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon