抖阴社区

CHAPTER 88

1.2K 47 3
                                    

CHAPTER 88
   
  
  
 
 
ZENNIE ' S POINT OF VIEW

 
 
 
 

FIELD TRIP.   
 
   

Isa sa mga ina-abangang event ng kahit sino sa school. Bawat sasama ay exited na exited ihanda ang mga damit na pamalit, pagkain na babaunin at kung minsan pa nga ay hindi makakatulog sa sobrang exited.
  
 

Pag-dating ng araw ng field trip eh kahit na sobra aga magising exited pa rin. Ang iba nga ay mas maaga ng ilang oras sa napag-usapang oras para makakuha ng maganda pwesto o i-save ng upuan ang barkada sa pinaka likod.
   
  

Ang mga guro ay susuwayin ang mga studyanteng kasama. Makikinig naman sila pero maya-maya ay manggugulo ulit, pero ang pinagka-iba eh hindi na sila papagalitan dahil maski guro ay natutuwa sa naririnig na tawanan ng mga studyante.
     
     
     
    
      

PERO HINDI KAMI SECTION ARES.
    
   
  
Ang usapan ng alis sa HIS eh ala-siyete ng umaga pero pare-pareho kami nagising ng ala-siyete at nakarating sa HIS ng mag-aalasnuebe.
 
 

Pag-dating namin sa HIS ang iba studyante nakit namin ang suot eh P.E. uniform samantalang kami iyong regular na uniform at kaysa pagkain ang nadala namin eh ang mga bag namin na ang laman ay notebook, ballpen at mabibigat na libro.
  
  
 
Pag-pasok naman sa bus eh hindi kami nag-agawan sa bintana o sa pwestong pinaka dulo dahil kanya-kanya kaming upuan. Hindi tulad sa ibang bus na dalawa hanggang tatlo section sa isang bus, kami solo namin ang isang buong bus at wala kami iba kasama kundi si manong driver. Hindi sumama isa sa mga guro namin dahil sa busy schedule nila.
  
  
  
 

Pag-upo namin sa kanya-kanyang upuan eh saka pinaandar ni Manong driver ang bus.
  
 
 
Pupunta kami sa pagawaan ng soft drinks, ocean park at Enchanted Kingdom.
    
     
   
  

TANGGGNOOOO!
  
   
 
 

PINA-UTANG AKO NI YUTA NG 5,000 PESOS. Kaya hindi ako papayag na hindi maging masaya 'tong field trip ko. Wala ako pake sa special project, basta gusto ko mag-saya ngayon.
  
  
 

Pumunta ako sa pinaka-harapan, malapit kay manong driver.
   
 

“Manong driver,” 
     
 

“Bakit, iha?”   Tanong sa akin ni Manong driver na hindi tumitingin sa akin.
  
  
 
Napatingin ako kina Jeffrey at Storm na pumunta din sa harapan.
  
  
 
“Usog.”  Utos ni Storm sa akin kaya umusog na lang ako. Si Jeffrey naman nasa kabilang side.
  
 

“Ay, manong p'wede po pahinto sa isang convenience store o kaya sa SM na madadaanan natin?”  Tanong ko kay Manon driver.
   
  

“Why?”  Hindi si manong driver nag-tanong si Tukmol.
  
  

“Bibili ng pagkain. Field trip, wala tayo baon kahit isang candy?”
  
  
 
“So?”
  
  

“Anong so ka diyan! Hindi 'to field trip kung wala pagkain.”  Tumingin ulit ako kay Manong driver.  “Sige na po.”
  
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon