CHAPTER 15
ZENNIE ’ s POINT OF VIEW
Nakaupo ako ngayon sa lapag ng tapat pintuan ng bahay. Mag-aalas-otcho na ng gabi pero wala pa rin ang mga Mokong.
KANINA, pagkatapos tumingin ng mga rankings nagkanya-kanya kaming lahat, sila lang pala. Yung buong section Ares bukod sa'kin nag-mamadali kanina nagsi-alisan.
Ang grupo nila Jaylen nag-libot sa buong HIS campus, pati sina Rehan. Sina Storm naman, hindi ko alam kung saan sila nag-punta nung umalis ng HIS.
Mag-isa lang tuloy ako. Tinignan ko ang dalawa bahay na malapit sa boarding namin. Hindi ko man lang napansin ito ang boarding house ng grupo nila Rehan at Jaylen. Magkaharap ang bahay nila sa bahay namin kaya makikita ko kung nakauwi na ba sila o hindi pa.
Ilang minuto pa'ko nag-hintay nung makita ko may dumaan na kotse. Napatayo ako. Huminto ang tatlo kotse sa tapat na bahay nila Jaylen.
Lumabas ako para tignan kung sila Jaylen nga iyon at tama nga ang hula ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero tumakbo ako papunta kay Jaylen.
“J-Jaylen,” tawag ko sakanya. Kinabahan pa'ko sa pag-tawag sa pangalan niya. Siguro dahil ito ang kauna-unahan pagkakataon na tinawag ko ang pangalan niya.
Dahan-dahan humarap si Jaylen sa'kin. “Z-Zennie . . .”
Nginitian ko siya para baka sakali hindi ako sungitan o gawan ng kung ano kalokohan.
Hindi ko naiwasan titigan ang kanya mukha. Kahit na mukha siya pagod, hindi maitatago ang ganda lalaki.
“Ano kailangan mo?” Mainahon tanong nito sa akin.
Mukha nga talaga pagod si Jaylen. Hindi ako sinusungitan o binubwisit eh.
“Ano. Uhm, ano,” takte na 'yan. Wala ako maisip na dahilan.
Nakakahiya naman sabihin na gusto ko ng kasama kasi natatakot ako. Baka kung ano pa isipin niya. Ayoko pa naman nag-mumukha ko mahina.
“Sabihin mo na ang sasabihin mo. H'wag ka mahiya na mag-sabi sa akin.”
Si Jaylen ba talaga itong kaharap ko? Bakit sumobra naman atasiya sa bait nayon?! Sana lagi na lang pagod si Jaylen.
“Jaylen, pasok na kami.” Sabi ni Kenneth sakanya na inaalalayan si Charlie na naka-yuko.
Tumingin ulit ako kay Jaylen. “Kamusta si Charlie?”
Bigla nag-bago ang timpla ng mukha niya. “Wala ka pakialam.” Mahinahon pero bakas sa boses na naiinis.
“Napaka ano mo naman. Kinakamusta ko lang naman si Charlie ah!”
“Nakita mo naman na buhay pa, diba?!”
“O-Oo, nakita ko nga,” napapahiya ko sagot.
Hindi naman yung ibig ko sabihin eh.
“Next time, huwag ka na mag-tatanong ng obvious na ang sagot. . . . At isa pa, h'wag ka na maging curious sa mga nangyayari sa loob ng classroom kung hanggang twenty-eight lang ang kaya mo.”
Lang?!
Top28 ako out of 150 students. Pagkatapos la-langin niya lang iyon?!
“At bakit naman?”
“Sa ganoong grade mo ang saya-saya mo na. At . . . ”
Huminto sa pag-salita si Jaylen, para bang ayaw ituloy ang sunod na sasabihin.
“At ano?!” Hamon ko.
Gusto ko marinig ang susunod pa niya sasabihin.
“At . . . At sa tingin mo sa ganoong grade mo lang tatagal ka sa section natin? Namin? Hindi. Kaya hangga't . . .”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...