CHAPTER 71
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“I accept your challenge.” Ngising sabi ni Storm sa akin bago pumasok ng close gymnasium.
“Ano sinasabi non?” Tanong ni ABC na kasama ko dito sa labas ng close gymnasium.
Napatingin ako kay Waeil na kakadating lang din dito.
Exam day nanaman ngayon at ito nanaman kami, bukod tanging section sa close gymnasium mag-eexam para malaki ang seat apart at hindi magkopyahan.
“Hinamon ko si Storm na lagpasan si Rehan sa pagka-rank one this period.”
Natatawa pumasok sa usapan si Theo na kakadating lang. “Mali tao ang hinamon mo, Zennie.” Komento niya saka pumasok sa loob.
“Kung ako sa'yo kung ano ang pustahan ninyo ni Storm, ihanda mo na kasi talo ka na, Zennie.” Tumatawa komento ni ABC saka siya pumasok na din.
Pag-tingin ko kay Waeil, nginitian niya lang ako ng tipid saka siya pumasok na din sa loob.
Natawa ako. Imposible malag-pasan ni Storm si Rehan. Eh si Rehan ang rank one mula first prelim hanggang ngayon.
Tama. Tama. Tiwala ako kay Rehan.
* * * *
Pag-tapos ng exam, ito kami ngayon ni Yuta nag-papaalam kay Jarex na hindi ulit ako sasabay sakanila ni Jeffrey. Kailangan na namin talaga bumili ni Yuta ng mga pagkain namin.
“Siguraduhin ninyong sa supermarket lang kayo pupunta dalawa.”
Pag-tapos ng napakaaa habaaa sermunan eh pinayagan ako ni Jarex sumabay kay Yuta.
“Bakit pati ako kailangan mag-paalam sa Jarex na 'yon?! Nakakainis talaga mga Kuya!” Reklamo ni Yuta nung makasakay na kami sa kotse niya.
Natatawa ako sa inaasta niya. Porket inis siya sa Kuya niya, lahat tuloy ng Kuya walang kamalay-malay eh nasasali sa galit niya.
Isa pa, ang laki ng utang na loob ko sa pamilya ni Jeffrey.
Nung dinala ako ni Jarex sa bahay nila nung sabado, bukod sa pinakain ako eh binigyan ako ng 10,000 pesos ni Tito Ricky. Gusto pa nga ako bigyan card na may lamang pera daw, hindi ko na tinanggap 'yon. Yung bigyan nga ako 10,000 na pang-gastos ko sobra-sobra-sobra na 'yon eh. Kaya nga nagyon may panggastos na ulit ako kahit papano.
Tapos si Jarex, gusto pa ako bigyan ng pera kanina para pang gastos ko raw. Hindi ko na tinanggap kasi nakakahiya na.
Hindi sa nagmamalaki ako, pero hindi naman ako nanlilimos para bigyan ako ng bigyan ng pera ng walang kapalit. Sabi ko naman sakanila, utang iyon at babayaran ko sila kapag nakahanap ako ng tarabaho.
Pag-dating namin ni Yuta sa SM dumiretso kami sa supermarket. Si Yuta ang tagatulak ng cart habang ako naman ang pumipili ng mga pakain tulad ng karne, isda, at gulay.
“Bakit ang daming kamote?” Tanong ni Yuta nung kumuha sandamakak na kamote.
“Gusto ko mag-kamote-que bukas.”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...