CHAPTER 38
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Sa wakas, makakapag-hinga na ulit ang utak ko at katawan. Kakatapos lang namin mag-exam ngayong araw na ito.
Sigurado hindi ako babagsak o hindi mahihiwalay sa pagka-top rankings kasama ang mga mokong na section Ares.
“Best, ang bilis mo mag-sagot ah?” sabi ni Jeffrey sa akin pag-labas niya ng close gymnasium.
“Syempre, alam ko halos lahat ng sagot eh.”
Nitong mga nakaraang araw kasi sinamahan ako mag-review ni Jeffrey. Nung una ayoko pumayag dahil alam ko kailangan niya din mag-review, pero mas gusto niya daw na kasama ako makapasa at hindi mahiwalay sa pagka-rank sa Section Ares kaysa mas mapataas ang rank niya sa pagka-top. S'yempre ako sobra ako na-touch sa sinabi niya.
“Uy, Yuta!” tawag ko kay Yuta pag-labas niya din ng close gymnasium, pero asual ni hindi siya lumingon.
Simula nung nangyari sa condo niya last week, hindi na niya ulit ako pinapansin, ang mas malala kahit ang ibang Mokong hindi na niya din pinapansin. Lahat ng nasa paligid niya parang hangin lang na dinadaanan niya.
Tumingin ako kay Jeffrey. “Ano nangyayari don?” taka ko tanong.
“Hindi ko din alam, Best.”
Akala ko mas magiging close kami ni Yuta, dahil nga nakapag-kwento na siya sa akin kahit papaano tungkol sa buhay niya, tapos bigla siya magiging malamig sa lahat?
Nag-salubong ang kilay ko nang makita ko ang sunod na lumabas sa close gymnasium.
Si Storm.
Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap simula nong sinabihan niya ako ng malandi.
Napatingin din si Storm sa akin. Nag-tinginan kami dalawa, pero agad tinaggal ang pag-tingin sa akin pagkatapos linagpasan kami ni Jeffrey.
Nag-umpisa na din kami mag-lakad ni Jeffrey papuntang main gate. Susunduin kasi kami dalawa ni Jarex. Simula nung lumipat kami ni Jeffrey sa bahay nila si Jarex ang nag-hahatidat sundo sa aming dalawa ni Jeffrey.
“Bes, pansin ko lang. Ilang araw na kayo hindi nag-papansinan ni Storm.May ginawa ka ba sakanya?”
“B'at ako?”
“Hindi mo ba nababalitaan?”
“Ang alin naman?” wala gana ko tanong.
“Si Storm bumabalik sa dati.”
“Sa dati? Tulad ng?”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...