抖阴社区

CHAPTER 13

1.7K 72 6
                                    

CHAPTER 13
  
  
 
ZENNIE ' s POINT OF VIEW

“Kaya ayoko na-le-late kapag lunes!”  Reklamo ni Jeffrey.

   
Tuwing lunes may flag ceremony at dahil lunes na lunes eh late kami dalawa, nag-flag ceremony kami dalawa ni Jeffrey. Maski ako ayoko na ulit maulit ito. Medyo nakakahiya dalawa lang kami ang nag-flag ceremony sa ubod na laki close gymnasium na iyon. Tapos pinatakbo pa kami sa open field ng benteng ulit.

     
Napasarap kasi ang tulog namin ni Jeffrey. Kakatapos lang kasi ng exam nung friday kaya bumawi kami ng tulog at bumawi rin kami sa pagpapanood ng Tom & Jerry kagabi.
   
       
  
Ngayon eh papunta na kami sa classroom. Parang ayoko pa pumasok, pakiramdam ko sumasakit na ang ulo. 

  

“Saan nga pala magiging classroom natin? Doon pa rin ba?”

  
 
Ngayon araw na pagsasama-samahin ang buong section Ares sa iisa classroom. Ngayon pa lang kinakabahan na'ko sa mga mangyayari. Eh yung nagkita sila last week sa canteen nagka-gulo na, pa'no pa kapag pinag-sama-sama sila?
 
   

“Doon pa rin Bes, pero pinalaki lang ng konti.”   

“Pinalaki?”
  
 
“Triple ang laki ng classroom ng section Ares sa ibang classroom, para kapag umupo lagi may one seat apart. Kaya nga magkakadikit mga classroom natin tatlo na section Ares kasi pinaghati-hati lang 'yon.”
  
  
Hindi ko napansin 'yon.
 
  
“Ganon kalaki ang totoo clasroom natin?!”
 
  
 
Sa classroom namin p'wede na ang pang bente studyante, tapos yung classroom din nila Jaylen-de-put-a eh kasing laki rin ng classroom namin at kung yung kina Rehan kun ganon din kalaki, ang ibig sabihin pang 60 students ang classroom ng section namin?!
 
   
 
“Ganon kalaki?”

  

Huminto kami sa pag-lakad ni Jeffrey, pati ako huminto din. “Bes, section Ares tayo eh.”
  
  
“Oh? Eh ano naman? Bakit matataba ba ang iba studyante ng section Ares?”
  
  
“Best? Mukha ba kami matataba? Nakita mo na nga abs ko—aray!

 
Hinampas ko siya sa braso. Ipapaalala pa eh.

  
“Sakit non ah? Ganito kasi 'yan. Ang section Ares special section 'yan—tayo dito sa loob ng HIS.“

  
Special Section? Paano special section kami dito sa HIS?
  
    
  
“Uhmm, e-excuse me?” Sabay namin tinignan ni Jeffrey ang babae'ng lumapit sa amin.

  

Kulay itim ang buhok niyang hanggang leeg. Hindi siya katangkaran, hindi rin ka-sexy-sihan pero hindi katabaan, sakto lang ang pangangatawan. Mukha naman mabait.

  
 
“Ano'ng kailangan mo?!”  Masungit na tanong ni Jeffrey kaya hinampas ko ito sa braso.
 
   
“A-Ano po kasi, a-ako si Andrea Jayne ng s-section B. Ak—”

“Anong pake namin?!”

  
Hinampas ko ulit sa braso si Jeffrey. Bigla nanaman kasi nag-transform sa pagiging ewan itong lalaki 'to.

  
 
Napapansin ko sa anim na mokong kapag may iba studyante lahat sila nag-tatransform sa pagiging masungit at mainitin ang ulo—*ay si Yuta, natural na pala ganon.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon