CHAPTER 34
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
"Zennie, dito ka na umupo."
Papalag pa dapat ako pero mabilis ako naiupo ni Storm sa upuang tabi niya.
Uupo dapat si Waeil sa kanang upuan na bakante ko at si Yuta sa kaliwa ko bakante upuan, nang bigla kunin ni Storm ang mga upuan.
"And, what the hell is your problem?" Inis na tanong ni Yuta.
Lagi naman galit sa mundo itong si Yuta eh.
Tinuro ni Storm ang katapat na upuan na bakante. "Doon kayo umupo dalawa." sabay lagay niya sa tabi ni Jeffrey ang dalawa upuan.
Wala ng nagawa ang dalawa kung hindi sundin ang inutos ng Tukmol na ito.
Pagkatapos ay nag-lagay nanaman ng isa upuan si Storm sa tabi ko saka siya umupo rito.
"Zennie, ano gusto mo kainin ngayon? Bilis," Sumilip si Storm sa mga nakapila sa pagkain. "Habang wala pa ang asungot na si Rehan." dagdag niya sabi.
Napasapo ako sa sariling noo sa sobra pagka-irita.
Ilang araw na ganito si Storm. Umagang-umaga, hindi pa ako nakakalabas ng kwarto boses na niya ang naririnig ko. Ilang araw na ako ginigising ni Storm, pagkatapos pag-labas ko ng kwarto siya ang madadatnan ko.
Tapos, tuwing lunch break namin ayaw niya makatabi ko ang ibang Mokong. Katulad kanina na, nakaupo na sina Waeil at Yuta sa tabi ko pinalipat niya pa tapos siya ang tumabi sa akin.
"Ah! Ilayo ninyo sa akin ang shrimp! Ilayo ninyo sa akin!"
Kunot noo ako napatingin sa likuran namin nang marinig ko ang sigaw ni Boy Emoji.
Kinalabit ko si Andrew at agad naman siya tumingin sa akin.
"Ano nangyayari diyan kay Boy emoji?" tanong ko kay Andrew.
"Boy emoji?" Taka niya tanong.
"Kay Hendery, bakit siya nagsisigaw na parang takot na takot?"
"Sinubukan namin ulit kung takot pa siya sa paborito niya pagkain. Ilang araw na kasi siya takot sa shrimp. Wala naman kami maalala rason para matakot siya sa shrimp."
Napatango-tango na natatawa kay Boy Emoji. Sa shrimp? Takot siya? Eh, nung last time na kumain kami ng luto ng Nanay niya, ang dami niya non nakain.
"Ano ba?!" Sigaw ko sa gulat nang bigla ako tapikin ni Storm sa braso ko.
"Nand'yan na pala iyang mga 'yan, sigurado nandito na din si Rehan. Ano na ang gusto mo kaini---"
Hindi naituloy ni Storm ang sasabihin nang may mag-lapag ng tray sa harapan ko na may lamang kanin, dalawa extra rice at isa sosyaling ulam na hindi ko alam ang tawag na may isa bote ng softdrinks at bottled water.
Tinignan ko ang nag-lapag at hindi nga ako nagka-mali ng hinala.
"Ikaw nanaman gago ka?!" Galit na sigaw ni Storm kay Rehan.
Nginitian lang ni Rehan si Storm pagkatapos tumingin na ito sa akin.
"Three rice and beef teriyaki ang inorder ko sayo, Zennie."
Isa pa itong si Rehan eh.
Ilang araw na din ako naiirita sa ginagawa ni Rehan. Ilang araw na tuwing lunch break lagi ako dinadalhan ng pagkain. Parang nung mga bata kami. Sa tuwing bibigyan nako ng pagkain wo-walk out-an ko siya. Pero iba na ngayon, dahil tag-tipid ako hindi ko tinatanggihan ang binibigay niya pagkain sa akin.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...