抖阴社区

CHAPTER 76

1K 49 8
                                    

Chapter 76



ZENNIE ' s POINT OF VIEW


"This is too heavy." Reklamo ni Yuta habang bitbit ang dalawapung na milktea binili namin para sa mga Mokong at kay Beverly.

"Reklamador mo naman." Komento ni Storm habang umiinom ng Milk tea niya.


Nag-lalakad kaming tatlo ngayon papunta boarding house habang si Yuta may bit-bit na mga milk tea at kami naman ni Storm eh may iniinom na milk tea.



Ilinapit ko sa bunganga ni Yuta ang milk tea ko. "Oh! Try mo uminom ng milk tea nakakatanggal init ng ulo."



"Itong akin ang inumin mo, mas masarap!" Ang sira-ulo Tukmol, 'tinabig ang kamay ko sabay subo niya ng straw ng milk tea sa bunganga ni Yuta.



Habang humihigop tuloy si Yuta eh ang sama ng tingin kay Storm. Si Storm naman ngumingiti-ngiti lang.

Pag-tapos uminom ni Yuta ng milk tea ni Storm eh nag-patuloy na kami tatlo sa pag-lalakad.

"Sarap, diba?" Alinlangang tanong ni Storm kay Yuta.


Gag-o kasi eh.


"Zennie, bakit ba bigla mo na-itanong kung may fiance ako?" Tanong ni Storm.




Si Yuta, negative talaga. Pinuntahan lang raw niya ako sa milk tea shop kanina para mag-paluto ng kakainin niya.



Si Storm naman eh, negative din. Hindi siya ang fiance kuno ko. Ang sabi niya kanina, natural na daw na magka-arrange marriage siya dahil sa negosyo. Ganon naman daw kasi sakanila, kaya natural na may fiance na siya ngayon.





Napahinto ako sa pag-lakad ng mayroon ako napag-tanto sa sinabi ni Storm kanina. Napahawak pa ako sa bibig, tapos eh tumingin kay Yuta na huminto din sa pag-lakad.

Ang ibig sabihin si Sir Aron at Ma'am Cloudyn naging sila dahil in-arrange sila? Tapos, ibig sabihin si Yuta talaga ang gusto ni Ma'am?


Napanga-nga ako sa naiisip ko. Ano ba 'tong mga iniisip ko? Hindi ko dapat problemahin si Yuta eh.





"Hoy, Hinayupak na babae. Ano problema mo? Bakit ganyan ka makatingin kay Yuta?"


Napatingin ako kay Storm. "Ano na-duling lang." Sagot ko saka nag-lakad na ulit.






Pag-dating sa boarding house nahinto kami tatlo sa sala, dahil bukod nandito ang halos lahat ng Mokong eh may hindi kami inaasahang bisita.



"Good evening," bati sa amin ng bisita.

"Hala! Wala ka milk tea." Hindi sinasadyang masabi ko kay Sofia.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon