“Where will you going?”
Nagulat ako nang makita si Jarex dito sa terminal ng bus.
“Ano, diyan lang.” Nahihiya ko sagot.
“You're at the bus terminal, then 'd'yan ka lang pupunta'?”
Napaka ano naman nitong si Jarex. Kung hindi lang 'to g'wapo eh.
“Joke lang hehehe . . . Sa Pampanga ako pupunta.”
“Why?”
“May ano . . . . bibisitahin lang.” Alinlangan ko sabi.
“Where in Pampanga?”“Sa, Macabebe.”
“Sumabay ka na sa akin.”
“Bakit? Punta ka din Pampanga?”
“Yes.”
Yes! Tipid pamasahe! Agad ako sumakay sa back seat ng upuan. Pag-pasok ni Jarex sa kotse niya eh tumingin siya sa akin.
“Bakit?” Inosente ko tanong.“Dito ka sa front seat, nag-mumukha ako driver mo.”
“Mag-mumukha naman ako girlfriend mo.” Bulong ko sa sarili saka ako lumabas para lumipat sa passenger seat.
“What did you murmured?” Tanong ni Jarex sa akin pag-lipat ko sa passenger seat.
“Anong murmured ka diyan?” Maang-maangan acting ko.
Pinaandar na ni Jarex ang kotse saka kami umalis.
“Ano pala ginagawa mo doon sa terminal?” Tanong ko. Ang tahimik naman kasi eh. Baka mamaya antukin itong su Jarex tapos mabangga kami.Kumatok sa bintana ng tatlong beses, para hindi magkatotoo ang iniisip ko.
“Why did you knock?”“Para hindi magkatotoo yung iniisip ko.”
“Why? What are you thinking?”
“Baka mabangga tayo. Hehehe . . . ”
Hindi makapaniwala tumingin si Jarex sa akin. "What?!”
“Jarex!” Sigaw ko sabay turo sa daan.
Agad naka-preno si Jarex bago niya pa mabangga ang nasa harapang sasakyan.
Pag-preno ni Jarex eh tumingin ulit siya sa akin na para bang may kasalanan ako.
“Bakit?” Inosente ko tanong.
“Tsk.” Sabi niya saka siya tumingin ulit sa daan.
“Jarex, ano na nga ginagawa mo sa bus terminal?” Tanong ko ulit.
“I ask some drivers there how can I go to Pampanga.”“Weh?”
Sinulyapan ako ni Jarex. “Why are you not believing at me?”“May google at waze naman ah?”
“I forgot my iPad and cellphone.”
“Tanga mo naman.” Napatakip ako sa sarili bibig nang bigla ko iyon nasabi.
Tumingin ako kay Jarex, naka kunot ang noo niya.
“Jarex, it's joke-joke! Ha-ha-ha-ha!” Pilit ko tawa. Baka mamaya bigla ako pababain dito sa expressway.
Hindi nag-salita si Jarex. Sumama ata loob sa nasabi ko. Napakadaldal naman kasi nitong bunganga't dila at ngipin ko eh.
Kinuha ko sa bag ang cellphone ko nang mag-vibrate ito ng mag-vibrate, pagkuha ko nakita ko ang number ni Jeffrey. Agad ko sinagot ang tawag ni Jeffrey.
[“Bes, nasaan ka? Akala ko manonood tayo ng spongebob ngayon?”]

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...