CHAPTER 20
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Pag-pasok ng classroom namin wala kami nadatanan na tatlo kundi ang mga bag lang ng mga Mokong.
"Bakit wala tao?" Tanong ko kay Jaylen. "Nasaan sila?" Dag-dag ko tanong.
Pagkatapos makatikim ng suntok at sipa ng mga Kupal bully kay Jaylen eh mga nagsitakbuhan sila.
"Baka hinahanap pa rin kayo dalawa." sagot ni Jaylen habang nag-lalakad papunta sa upuan niya.
"Tawagan mo na sila, Zennie." Sabi ni Ten saka nag-lakad papunta pinakalikod kung nasaan ang locker namin.
Kinuha ko ang cellphone sa coat ko.
Sino ang tatawagan ko? Si Jeffrey, Andrew at Boy Emoji na lang.
Una ko tinawagan si Jeffrey pero ang sumagot ang Tukmol nanamang si Storm.
["Hoy! Hinayupak na babae! Nasaan kayo ng Ten na 'yan?! Pinuntahan ko na lahat ng C.R. dito sa HIS, umabot na din ako sa college campus, wala naman kayo! Pinag-loloko mo ba ako?!"]
Ano ba ang nangyayari dito sa lalaki 'to? Bigla-bigla na lang nagiging concern na pagalit.
["Nandito na kami ni Ten sa classroom."]
[Hinayupak ka talaga! Pinag-loloko mo lang ba ako?!"]
["Hindi! Si Jaylen kasam namin, kasi tinul----]
["ANO?! 'Yang g-ago na 'yan?!!"]
["Nakakabingi ka! Bye!"]
["T-Teka----"]
In-end call na ang tawag. Letse Tukmol 'yon, daig pa babae makasigaw.
Sunod ko tinawagan si Andrew, pagkatapos si Hendery. Sinabi ko sakanila nandito na kami ni Ten sa classroom.
Pagkatapos ko sila tawagan napatingin ako kay Jaylen. Mukha nagulat siya kasi nakatingin pala siya sa akin.
Linapitan ko si Jaylen na ngayon aeh kinikulikot ang cellphone niya. Kumuha ako ng isang upuan at ilinagay ito sa katapat niya.
"A-Ano kailangan mo?" tanong ni Jaylen habang nakatingin lang sa cellphone.
"Alam mo ngayon ko lang narealize ang sagot mo kanina."
"Ano, sagot?"
"Yung wala sila lahat dito kasi hinahanap nila kami ni Ten? Edi, ang ihinanap mo rin kami?"
Bigla nabitawan ni Jaylen ang cellphone niya. Agad niya ito pinulot at tumingin sa akin. "Bakit ko naman kayo hahanapin?" Masungit na tanong niya.
"Kasi concern ka?" Napapahiya ko sagot.
"Bakit naman ako magiging concern. Sayo? At kay Ten? Tss." Masungit na wika ni Jaylen sabay tingin ulit sa mamahalin cellphone niya.
"Edi, salamat kasi linigtas mo kami kanina ni Ten."
Binalingan ako ng tingin ni Jaylen, kaya ngumiti ako. Para naman kunwari hindi ako napahiya sa sinabi niya kanina na hindi naman pala concern ang bwisit na 'to sa amin ni Ten.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...