抖阴社区

CHAPTER 86.2

1K 53 6
                                    

CHAPTER 86.2

    
  
 

THIR PERSON ' s POINT OF VIEW

 
 

Paggising ni Zennie ay hindi maidilat ng maayos ang mga mata dahil sa nakatakip ritong eye patch at hindi magalaw ang kamay at paa dahil sa nakatali siya sa upuan ni Yuta.
       
     
  
Habang pilit na kumakawala si Zennie  ay wala siya maisip na dahilan kung bakit nagawa sakanya ito ng isa sa Section Ares.
 
   
   

Ipinikit muli ni Zennie mga mata para maibsan kahit papaano ang takot ngunit mas lalo siya natakot.
 

 
   
 

Hindi na napigilan mapahikbi ni Zennie at tuluyan umiyak. Nahihirapan na siya huminga dahil sa sobra takot.
      
   

Sa sobra takot na nararamdaman ni Zennie ay hindi niya naramdaman ang humahangos na pag-dating ni Jaylen. Pag-lapit ni Jaylen kay Zennie ay agad tinanggal ang pagka-tali kay Zennie at takip sa mata niya.
     
       
 

  

“Zennie!”
    
    
 

Pag-dilat mulit ng mga mata ni Zennie ay agad napayakap kay Jaylen. Hindi na rin napigilan umiyak ng para bata ni Zennie sa sobra saya. Si Jaylen naman ay nanlaki ang pares na mata, gusto niya mag-tanong ngunit maski daliri ay hindi niya magalaw dahil sa pagka-gulat.
        
       
   
    
Maya-maya ay kumawala sa pagka-yakap si Zennie habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.
    
     


 

“Anong oras na?”   Tanong ni Zennie.
 
 
 
“T-Ten o'clock a.m.”  Utal na sagot ni Jaylen.
 
 
 
“Ten? Eh bakit nandito ka? Dapat nag-e-exam ka ah?”
 
 

Bigla napakamot sa batok niya si Jaylen. “Napadaan ako dito.” 
 
 

“Ng ganitong oras? Ngayong oras ng exam?”  Inosente tanong ni Zennie.
 
 
 
Hindi alam ni Jaylen ang isasagot kay Zennie, dahil bukod sa pangalan ay wala na siya sinagutan sa test paper sa sobra pag-aalala kay Zennie.

      
       
       

Sabay na napatingin sina Jaylen at Zennie nang mayroon padabog na nag-bukas ng pintuan at pagkakita nila ay si Storm kasunod si Rehan.
 
 
 
“Ano nangyari dito? Bakit may mga tali? Ayos ka lang ba ha? Hinayupak na bababe?”  Sunod-sunod na tanong ni Storm pag-lapit kay Zennie.
 
 

Pag-lapit ni Storm ay agad niya yinakap si Zennie. Samantalang si Jaylen ay tumayo at lumayo ng tatlo hakbang habang nakatingin sa dalawa.

    
     
  

Sa pag-yakap ni Storm kay Zennie parang bigla nag-slow motion ang buong paligid ni Zennie at wala iba naririnig kundi ang mabilis na tibok ng puso niya.
   
  
  

“Sino ang may gawa nito sa'yo?”  Tanong ni Storm pagka-kawala sa yakap.
  
 

“Sino sa Section Ares ang gumawa nito sa'yo?”  Tanong ni Rehan.
  
 

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon