抖阴社区

CHAPTER 28

1.3K 63 6
                                    

CHAPTER 28

  

ZENNIE  '  s  POINT OF VIEW


       

Palabas na ako ng kwarto nang mapansin ko sa study table ang maliit na kulay pula box.
    
   
   
Tumakbo ako papunta study table ko at kinuha ang kulay pula box. Binuksan ko ang pula box at naka hinga ako ng maluwag nang makita nandito pa ang singsing.
   
   
 
Ilinagay ko sa bag ang box. Tatlo linggo na sa akin ito baka hinahanap na ng may-ari at kailangan ko makita ang may-ari nito.
 


   

 
Madami ako tanong sa may-ari ng box na ito, tulad na lang ng bakit bigla niya ako hinalikan noon sa noo ko? Bakit niya ako niyakap? Bakit niya ako hinintay?
    
     
 


 
 

Nag-mamadali ako lumabas ng kwarto ko, dahil ma-le-late na ako. Balak ko sumabay kay Yuta. Hindi umuwi kagabi ang mga Mokong dito kaya noong weekend kami lang ni Yuta ang tao sa boarding house. Kaso para wala din ako kasama kasi nasa kwarto lang siya, baba lang kapag kakain na.
     
 

 
   

Pag-labas ko ng bahay naabutan ko si Yuta na papasok na ng kotse niya.
       
      
 

 
 

“Yuta!”   Sigaw ko sa pangalan niya, para naman nahintay ako. Sa ugali ni Yuta, kapag hindi ako pinansin niyan sigurado ako iiwanan ako kahit alam niya nandito pa ako.
    
      
  
“Yuta, teka!”    sigaw ko ulit nang pumasok na siya ng tuluyan sa loob ng kotse niya.
             
       
 

 

Pag-lapit ko sa kotse ni Yuta, kumatok ako sa bintana ng front seat. Binaba naman ni Yuta ang bintana. 
   
   
   
“Pasabay, ma-lalate ako ng sobra kapag nag-abang pa ako jeep sa labas.”   pakiusap ko.   
  
    
  
Pumayag ka letse ka! Pumayag ka!
     
  
 
Tumango si Yuta at narinig ko nag-unlock ang pintuan ng kotse kaya agad ako pumasok bago pa mag-bago isip ng Mokong na'to.
     
   
  
Pag-pasok sa loob ng kotse agad na pinaadar ni Yuta ang kotse.
     
     
 


 
  
  

“Hoy Yuta, may utang ka pa sa akin, ha?”  Pag-aalala ko sakanya. Baka kasi makalimutan niya eh. Mahirap na. Taghirap ako.
   
 


 

“Ikaw na itong linibre ko? Ako pa ang nagka-utang sa'yo.”
   
   
 



Tignan mo itong mokong na ito! Hindi pa nakaka isang linggo nakalimutan na ang utang na libre sa akin.
   
   
 


 
 

“Hoy Yuta, ipapaalala sa'yo, ha? Noong sabado nagutom ako sa pag-grocery habang ikaw eh tamang chill-chill lang sa supermarket habang hinihintay ang mga grocery na babayaran mo. Tapos noong, kakain na tayo nagpaikot-ikot ka. Tapos bigla may napa-ulan ng baril sa kotse mo, tapos kingina kaysa kutsa at tinidor ang hawak ko nung gabing 'yon eh pinahawak mo 'ko ng baril. Nakasa ko naman eh, pero sa sobra takot ko nahimatay ak———”
  
     
 
“Hinimatay ka?”   Pag-putol ni Yuta sa paliwanag ko.
   
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon