抖阴社区

CHAPTER 64

1.3K 63 16
                                    

CHAPTER 64

ZENNIE ' s POINT OF VIEW


“Wala kayo lahat takdang-aralin? At puro walumpu-lima hanggang siyamnapu porsyento lamang kayo sainyong supresang maiksing pag-susulit?!” Sigaw ni Teacher Robert.
 

Lang amput-a. Halos masiraan na nga ako ng ulo kanina para maka 85% ako sa surprise quiz namin ngayon, tapos lalang-langin lang?
    

Hinampas ni Sir Robert ang Teacher's table. Iba talaga magalit itong si Sir panot eh.  “Dahil diyan, isusulat ninyo sa dilaw na papel ang buod ng bawat kabanata ng El filibusterismo at ang mga tauhan. Mayroon lamang kayo hanggang ika-lima ng hapon ngayong araw na ito.”

Lahat kami napapanga't nawala ang sakit ng ulo.

Kinuha ko ang libro kong El fili. Anak namputsa! Eh nakadami nito ah, anong oras na? Alas dos na ng hapon tapos may iba pa kaming subject.
   
  
“Teacher, are you sur—” Pinutol ni Sir Ramil ang sasabihin ni Johnny.
 
“Mag-tagalog ka.”  Utos ni Sir Ramil.
 
“What I'm say—Ang ibig kong sabihin, ay gusto ko lamang itanong kung isusulat ba namin talaga?” Tagalog na tanong ni Johnny.
 
“Oo isusulat. Huwag kayo mag-aalala, ipapareha ko kayo sa dalawa nang sa ganon ay hindi kayo ganoon mahirapan. Isang magkapareha katumbas ang isang El filibuterismo.” Kinuha ni Sir Ramil ang mga handbook namin na nakapatong sa teacher's table. “Ito ang magkakapareha,” Bumunot ng dalawang handbook si teacher Ramil.  “Ten Villanueva at Johnny Carson!”
 

Put-a random. 
 
  
“Theo Black at Waeil Woo. Rehan Cabello at Alex Shin. John Andrew Cabrera at Albert Bien Corpuz.”

Nag-umpisa na ako mag-dasal. Kahit sino makapartner ko, huwag lang sana si Storm.
  
   

“Hendery Velasquez at Jero Tan. Jeffrey Jung at Mikael Diaz. Charlie Dela Merced at James Santiago.”


 

Hindi pa ako natatawag pati si Storm. Kinakabahan na ako, ah!

 
“Gabriel Levious at Kenneth Masangcay. Jaylen Na at Zennie Cruz. Mark Mendoza, Yuta Nakamoto at Storm Lucena.”
 

Hoooo! Napangiti at naka hinga ako ng maluwag. Mabuti naman at si Jaylen ang kapartner ko.

   
“Iyon lamang. Ang hindi mag-pasa ay mawawala ang lahat ng puntos sa maiksing pagsusulit ngayon at imamarkang hindi pumasok. Paalam!”

 
Pag-alis ni Sir Ramil tumayo ako.  “Kay lupit na parusa nito!”  Sigaw ko sabay inat.
   

Napahinto ako sa pag-inat nang makita ko si Storm na papunta sa akin? Sa akin ba? Hindi ako sigurado pero, agad ko kinuha ang libro ko El fili sabay takbo ko papunta sa p'westo ni Jaylen.
    

Pag-lapit ko kay Jaylen eh hinatak ko siya sa upuan niya, pero ang gag-o ayaw magpa-hatak.  “Ano problema mo?”  Tanong niya sa akin. 
 
Aba malay ko din.
 
“A-Ano gawa na tayo ng buod ng nung El fili.”
 
“Then let's do it here.”

“No! No! Not here, there dapat.”
 
“I don't  want to.”
 
I don't want to ka pa nalalaman, ha!
  
Kumapit ako sa isang braso ni Jaylen.  “Z-Zennie  .   .   .  ”
 

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon