CHAPTER 52
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Hay kupo!”
“Put-a!”
“Mahabagin.”Lebron James, Michael Jordan, Kevin Bryant, Kevin Durant at sa iba pang basketball players sa mundo. Patawarin po ninyo ang ginagawa ng mga Mokong na ito. Hindi po nila alam ang ginagawa nila.
Nandito kaming lahat sa close gymnasium. Nag-paalam kami pahiramin muna sa section F ito para makapag-practice kami ng cheerdance, dahil wala kaming classroom na pwede pag-praktisan eh pumayag ang school staff. Pero ang totoo ay para makapag-practice ang mga Mokong na mag-basketball.
Sabi ko sa limang player na napili ko sa basketball eh mag-practice na sila. Pero napanganga ako nang mag-umpisa sila mag-practice.Si Alex, tumatakbo sa buong close gymnasium. Si Rehan, nakatayo habang nag-titingkayad. Si Yuta, kanina pa niya tinitigan ang mukha niya, na salubong ang kilay sa dala niyang salamim. Si Waeil naman, tumatalon-talon tapos maya-maya din niya tinitignan ang sarili sa dala niya salamin. At si Hendery naman, naka-upo lang sa gitna ng court, pati si Kenneth.
Ginamit ko ang pitong binili ko kahapon sa mall kasama sina Jeffrey at Jarex. Pagka-pito ko nagsi-tigil sila sa ginagawa nila at tumingin sa akin.
Sakto naman huminto sa tabi ko si Alex kaya hinatak ko siya papuntang gitna ng court. Pag-punta ko sa gitnang court nagsi-lapitan sa akin ang lahat ng Mokong.
“Lahat ng hindi basketball player upo muna sa mga benches!” Utos ko.
Lahat naman sila nagsisunuran agad, at ang natira na lang ay ang anim na basketball player ng section namin.
“Kayong anim sabi ko diba mag-practice kayo ng basketball, oh eh ano pinagagawa n'yo?” Sermon ko sakanila.
Eh put-a kasi. Kapag hindi sila nag-laro sa intrams next week pare-pareho kaming maminus ng fifty percent sa lahat ng subject. Sa akin ayon lang 'yon, eh sa ibang Mokong na mga grade concious siguradong hindi nila 'yon matatanggap. Kaya kailangan ko sila higpitan at siguraduhing mag-lalaro sila lahat.
“Ikaw Alex, bakit ka tumatakbo sa buong gym?”
“Diba sabi mo, kaya pinili mo 'ko kasi mabilis ako tumakbo. Kaya inaaral ko na kung paano takbuhin ang buong gym ng mas mabilis.”
A-Ah, put-a.
“Ikaw, Yuta at Waeil bakit panay kayo tingin lang sa salamin n'yo?”
“Sabi mo Zennie, g'wapo ako kapag pinag-papawisan, kaya kailangan ko imentain ang kagwapuhan ko kapag pinag-papawisan.” Sagot ni Waeil.
“Sabi mo tignan ko lang ang mga kalaban namin matatakot na sila sa akin. Balak ko pa nga mag-dala ng baril para mas matakot sila sa akin.” Sagot ni Yuta.
Arumaryosep!
“Ikaw naman Rehan?”

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...