抖阴社区

CHAPTER 02

2.8K 81 10
                                    

CHAPTER 02

ZENNIE 's POINT OF VIEW


NEW DAY!

Bumangon agad ako. Mabilis naligo at nag-ayos para ngayon second day hindi ma'late.

Bago ako lumabas ng kwarto tinignan ko ulit ang sarili sa whole body mirror.

Ang ganda ng uniform. Color white blouse na may color blue ribbon at kulay asul na coat na may bulsa, tapos paldang color plane blue din na hanggang before the knee na pinartneran ng color white high socks at black doll shoes. Sa mga lalaki naman ay, white blouse, color blue coat na may kulay asul na necktie tapos pants na color blue.

Pag-labas ko ng kwarto tahimik ng buong paligid, bumaba ako at ganun rin. Nakaalis na agad ang mga kasama ko dito sa bahay? Hindi ko na nga sila nakita kagabi pati ngayon hindi ko pa din sila nakita?

Nakatira ako ngayon sa isang sosyalin boarding house, take note sa isang private village at isang malaki bahay. Noong linggo ng gabi ako lumipat.


Ang sabi staff ng HIS na nakausap ko. Ang mga kapwa ko scholar ang kasama ko rito.


At ang sobra ko natuwa ako bukod sa nakatira ako sa isang totoong bahay eh libre ang pag-tira ko dito, libre ang kuryente at tubig, pagkain ko na lang araw-araw ang iintindihin ko, at higit sa lahat habang nasa Section Ares ako ay pupwede ako tumira rito kahit kailan ko gusto.

Tinignan ko ang oras sa cellphone. "07:38 am?!" Kaya naman pala wala na ang mga kasama ko dito eh! Late na.

Nag-madali ako lumabas ng bahay at tumakbo papunta labas ng village. Parang kanina six o'clock a.m. pa lang ah!

Pag-labas ko sakto may kotse huminto sa tapat ko. Pag-bukas ng bintana sa back seat si Brena pala.

Naku sana ayain ako makisabay sa kotse n'ya. Pakapalan na, pero hinding-hindi ako tatanggi kung sakali.

"H-Hello miss pres. Good morning!" Masigla ko bati.

Pasabayin mo 'ko parang awa mo na.

"Good morning din, Zennie. Tara sumabay ka na sakin baka ma'late ka ulit."

YES!!!

"Oo naman. Salamat!"

Binuksan ni Brena ang pintuan saka ito umusog. Pag-sakay ko pinaandar na agad nung driver ang kotse.

"Mabuti na lang at naiwan ko itong mga papel na 'to kung hindi baka hindi kita naka-salubong."

"Oo nga eh."

"Ano ba 'yang hawak mo? Bakit binalikan mo pa?"

Curious ako eh.

"Ah ito. Acceleration exam para sa isang studyante."

"Acceleration exam? Bakit ngayon lang siya mag-eexam bakit hindi nung bakasyon?"

"Yung mag-eexam kasi nito ngayon lang siya umuwi dito sa Pinas. Huminto kasi siya ng one year para pumunta sa iba't-ibang bansa."

"Ay! Wow! World tour muna bago mag-aral ulit?"

"Haha! Hindi lang kasi siya basta nag-libot-libot sa ibang bansa." Napailing si Brena bago ulit mag-salita. "Nag-libot sa iba't-ibang bansa para sa wala." May lungkot ang boses ni Brena nang sabihin niya 'yon. "Ah by the way," tumingin ulit si Brena sa akin ng may sigla ulit ang boses. "Kamusta pala ang first day mo kahapon?"

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon