抖阴社区

CHAPTER 79

1K 47 0
                                    

Chapter 79
 
 
 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW


 


   
  
  
Ang sakit ng likod ko atsaka ng leeg at ng pwet. Lintik na upuan na 'to, ang tigas.
  
 
 
 

“Boss, prinsesa pala ang dudukuting na'tin?”

“Sa pagka-alala ko tomboy 'to.”

“Ang ganda.”
   
“Abangan n'yo na lang si Storm sa labas!”
     
  

Dinilat ko pares ko mata nung iinat ako eh hindi ko magalaw ang kamay at katawan ko, mayroon ding takip ang bibig ko. Bwisit, nangingilabot ako sa tig-trentang panyong 'to.

  

Nung tignan ko ang paligid medyo madilim dahil iilan lang ang nakasinding ilaw rito sa napakalaking lugar na 'to. Mukha nasa isang lumang warehous ako.  
  

  

Ano 'to? Kinidnap ako? Ako talaga?
    
    
 
   

Maya-maya eh may lumapit sa'kin na isang lalaki na may dala upuan. Mukha leader ng mga 'to.
   
 

Nung makalapit na ang leader nila sa'kin nangunot ang noo ko. Pamilyar ang mukha ng lalaki jejemon na 'to———lintek! Yung leader ng mga jejemong naghahanap kay Storm noon. Nag-uprade ang kajejehan niya, may nalalaman pang pag-lagay ng panyo sa noo.
  
  
 
  
Tinanggal ng leader ng mga jejemon na 'to ang panyo sa bibig ko.
       
   
   

“Nag-kita ulit tayo.” Aniya.
   
 
 
Malamang, dinukot mo 'ko eh.
  
   

Natatakot dapat ako eh. Pero hindi ko magawa dahil sa style ng pagkajejemon niya, tapos binanggit pa si Storm.
   
   

“Bakit n'yo naman ako dinukot, aber?”
   
   
 
 
 
Isa pa dahilan kung bakit hindi ako natatakot dahil feeling ko naman eh hindi naman masama ang leader ng jejemon na 'to.
  
     
  
 
 
“Dahil kay Storm.” Bigla ngiti niya sabi. Yung ngiting akala mo eh naka-ganti na ang gag-o jejemon na 'to.
   
  
  
“Eh bakit ako ang dinukot mo? Atsaka ano kailangan mo kay Storm?”
  
  

“Trabaho lang. May nag-bayad sa'min para bugbugin si Storm at para pag-bayaran niya ang pag-agaw sa girlfriend ko.”
  
  
 
“Girlfriend mo si Beverly?”  Kunot noo ko tanong. Ganito pala tipo ni Beverly. Hindi ako makapaniwala.
    

 
“Sino Beverly? Si Sheila ang girlfriend ko inakit ng Storm na 'yon!”
 

“Inakit?” Gag-o si Storm pero parang imposible naman gawin niya 'yon.
   
  

“Hiniwalayan ako ng girlfriend ko dahil kay Storm!”
   
  

“Ah, naakit yung girlfriend mo, hindi inakit. Magka-iba 'yon.” 
 
 
 
Gawa-gawa naman 'to ng kwento. Jejemon na story maker.
   
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon