CHAPTER 46
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
“Wooo! Ang saya!”
“Yeesss!”
“Hahaha!”
Ilang oras na kami nag-iikot kung saan-saan, lumulusot kung saan-saan, may mga nabangga na kami paninda, nasirang mga gamit, linagpasang check point at mga tinakasang pulis.Hindi ko alam sa trip nilang dalawa. Si Alex, drive lang ng drive habang si Kendrick sayang-saya siya sa mga nangyayari at hanggang ngayon boxer short lang ang suot.
“Woaa!”“Hahaha!”
“Astig!”
Masaya sigaw ni Kendrick nang hindi niya sinasadya mabuksan ang bubong ng kotse.
“Bunso! Kendrick!” Pag-alalang tawag ko sakanya nang tumayo sa kinauupuan niya.
Tinanggal ko ang coat ko saka tumayo din sa kinauupuan ko. “Kendrick, mag-coat ka baka lamigin ka!” Sigaw ko sakanya sabay abot ng coat ko.
Ngiting kinuha naman ni Kendrick ang coat ko.
“Kendrick!” Saway ko snang umupo siya saglit at tinanggal ang boxer na suot.
Natawa ako nang winagayway ni Kendrick ang boxer short niya.
“Gag-o ka Kendrick!” Natatawa ko sigaw sakanya.
“HMag-saya tayo Zennie!” Tumatawang sabi ni Kendrick.
Ngumiti ako't tumango. “Sige, Kendrick. Magsaya tayo!” Masaya ko sagot.
“Alex, narinig mo 'yon?! Bilisan mo pa ang pag-maneho mo!” sigaw ni Kendrick.
“Okay!” Masaya sigaw ni Alex at mas binilisan ang pag-drive.
Tumatawa nag-tinginan kami ni Kendrick tapos ag-high five kaming dalawa sabay masaya sigaw namin dalawa.
Alam ko na ang sunod na mangyayari sa akin pagkatapos ng araw na ito, pero atleast pagkatapos ng araw na ito ay masaya ako.
Dumaan pa ang ilang oras nang mapag-desisyunan na namin umupo ni Kendrick.
“Nakakangalay,” tumatawa ko komento.
“Alex, dalhin mo na ako doon.” Bigla sabi ni Kendrick.
Napasulyap si Alex kay Kendrick. “Pero, Bunso——*”
“Dali na gusto ko doon!”
Napatingin ako kay Kendrick. Pinag-halong saya at lungkot ang tawa niya..
“S-Sige,” sagot ni Alex.
Lumipas ang halos dalawang oras nang ihinto ni Alex ang kotse niya sa tapat ng isang napakataas na building.
Bago pa ako makapag-tanong eh tumatawa lumabas na si Kendrick sa kotse.
“Kendrick!” Suway ko.
Naka brief at coat lang siya. Yung coat niya coat ko pa at hindi naka butones.
Sabay kami lumabas ng kotse ni Alex para sundan si Kendrick.
Pag-lapit namin kay Kendrick mabilis na sinuntok Alex ang dalawa security guard na humawak kay Kendrick.
“Hahaha! Boo!” Asar pa ni Kendrick sa dalawa guard na nasuntok ni Alex. Pagkatapos pumasok sa loob ng building si Kendrick.
At ito nanaman kamu ni Alex, sinusundan ang tumatawang halos hubad na si Kendrick.
Pag-pasok namin ng buildin pinag-titinginan nila si Kendrick.
Ano ba naman kasi trip nitong si Kendrick dito sa building?
Napatakbo ulit kami ni Alex papunta kay Kendrick nang may limang mukha bodyguard ang papunta kay Kendrick.
“Umalis na kayo dito.” Utos ng isang body guard paglapit sa amin.
“Alis mo mukha mo, bleeh!” Nang-aasar na sabi ni Kendrick sa mga bodyguard saka ito tumakbo palayo sa amin.

BINABASA MO ANG
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...