抖阴社区

                                    

“Eh, bakit nandito pa tayo dalawa?”

“Bibili ng damit natin,”

“No way. Mag-susuot ako ng hindi branded na damit? At pagsusukatin mo ako sa fitting room na ang pinto ay kurtina? No fvckn way, Zennie!”
  
 
 
  
Nakasimangot ko tinitignan ngayon si Alex, pagkatapos niya isukat ang pang-lima o pito na yatang t-shirt na gusto niya suotin ngayon.

Lintik, talagang lalaki 'to. No fckn way, Zennie pa siya nalalaman kanina pero ito siya ngayon, parang gusto na bilihin ang buong ukay-ukay store na 'to.
  

“Ito, Zennie? Okay, lang ba?”  nakangiti niya tanong.

“Oo Alex, ang gwapo-gwapo mo na d'yan. Bayaran mo na 'tong mga suot natin.”

“Pero paano 'tong mga 'to?” sabay taas niya ng anim na t-shirt at yung limang pants na nagustuhan niya.
   
“Bayaran mo na din, tapos sa susunod mo na lang suotin.”

“Oo nga noh,”
  
 
At sa wakas, nag-bayad na si Alex ng mga susuotin namin. Binayaran niya ng triple amg mga pinamili namin, dahil iiwanan namin ang school uniform namin dito, pagkatapos ay babalikan namin pagkatapos namin mag-mall ni Alex.
  
 
Pag-dating sa Megamall, hindi kami sa may highway pumasok ni Alex. Baka kasi maalala kami ng guard doon.

Pag-pasok namin ni Alex sa Megamall, nag-suggest siya na mag-sine raw kami. Syempre, pumayag ako dahil hindi pa ako nakaka pasok sa sinehan.
       
  
  

Pagka-tapos namin ni Alex manood ng pelikula, eh hanggang pag-labas namin ng sinehan tumatawa pa rin kami ng paraang mga baliw.
  

“Tangn-a, ang saya pala manood sa sinehan.” 
    
“Masaya ako, kasama ka.”

“Uy gag-o, ano?”

   
 
 

*    *    *    *


 
 
Wala sa sarili napalakpak ako pagkatapos mag-piano ni Waeil habang kumakanta.
 

Nandito kami sa Music room. Music lesson namin ngayon. Tinuruan na kami ni teacher Ana mag-piano last two weeks, kaya ngayon kailangan namin isa-isa mag-piano, plus points naman daw kapag kumanta.
 
Ako ang una nag-piano, syempre dahil hindi ko naiintindihan ayon kung ano-ano na lang ang pinag-gagawa ko.

Lahat kami tapos na mag-piano maliban kay Andrew.

Sa ngayon, si Waeil lang ang kumanta habang nag-papiano. At masasabi ko, grabe! Grabe ang gandang boses ni Waeil. Kung ano kinaganda ng mukha niya, ganon din kinaganda ng boses niya. Nakakahulog, ang gandang boses ni Waeil.
    
 
“John Andrew Cabrera,” tawag sakanya ni Teacher Ana.
  
Nginitian ko si Andrew nang tumingin siya sa akin bago ito tumayo at pumunta sa piano.
  

“Kakanta ka ba, Andrew?” tanong sakanya ni Teacher Ana.
 
Ngiting umiling si Andrew.
  
“Oh? That's sad. Matagal-tagal na noong marinig ka namin kumanta. Sige, mag-umpisa ka na.”
  
    
Napatitig ako kay Andrew nang mag-umpisa na siya mag-piano. Ang galing niya. Paano ko ba ieexplain, kung gaano kaganda ang pag-piano ni Andrew? Sagad sa buto't bituka ko ang bawat pindot ni Andrew sa piano.
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon