抖阴社区

                                    

“Wala, tara kako alalayan kita baka mahimatay ka pa eh.”  Sabi ko saka siya inalalayan.
    
  

Bago ako mag-lakad tinignan ko muna ang mga Mokong.  “Babalik din kami agad ni Jaylen, mag-practice kayong lahat dito sa close gymnasium!”  Utos ko sakanila saka kami nag-lakad na ni Jaylen.
  
 

 
  

“My Labs ko, samahan ko ka'yo!” Pahabol ni Boy Emoji. 

 
“Hindi, mag-practice ka riyan!” Sagot ko ng hindi tumitingin sakanya.
  
   

Pag-labas namin ng close gymnasium ni Jaylen eh ito nanaman kami sa nakakabingi katahimikan. Pero mas mainam na ang ganito, kaysa mag-usap kami tapos mapunta kami sa kung bakit ako umiyak sakanya. Nakakahiya 'yon.
    

Napatingin ako kay Jaylen na iika-ika mag-lakad. 
 
Tahimik lang Zennie. H'wag mo na tanungin si Jaylen. HUWAG!
  

“Hoy, b'at ka iika-ika mag-lakad? Hindi ka naman sa paa tinamaan ah?” Hindi ko napigilang tanungin siya.
  
“Sumasakit ulo ko.” Mahina sagot niya.
  
Mukha masakit talaga pag-tama niya ng bola.   
    

Hinawakan ko ang isa kamay ni Jaylen at ipinatong iyon sa baywang ko, para kahit papaano eh hindi siya mabigatan sa katawan n'ya habang naglalakad.
 
Pagka-lagay ko ng kamay niya sa baywang ko eh napahinga ako ng malalim at napalunok ng laway. Bigla ako kinabahan ng sobra.
    

Nawala ang kaba ko nang maramdamang hindi hinawakan ni Jaylen ang beywang ko, kung hindi ang wrist niya lang ang nakadikit sa baywang ko.

Sinulyapan ko si Jaylen. Napangiti ako.

 
 
 
 
 
*      *         *       *


  
 
 

Pag-dating namin ni Jaylen sa clinic agad ko siyang hiniga sa kama.  
  

“B'at wala tao dito?” Tumingin ako kay Jaylen na naka-pikit.  “Ano gagawin ko sa'yo?” Tanong ko.   
 

Malay ko sa mga ganitong sitwasyon? Wala ako alam sa mga ganitong tinamaan ng bola sa ulo.
  

“Ikuha mo ako sa ng yelo, tapos ilagay mo sa ice bag,”
 
“Anong itsura ng ice bag?”
 
Napasapo ni Jaylen ang sariling noo. Mukhang mas lumalala ata ang sakit ng ulo n'ya. Oh, eh kasalanan ko bang hindi ko alam itsura ng ice bag na 'yon?
    

Kinuha ni Jaylen ang cellphone n'ya. Maya-maya eh itinapat n'ya sa pagmumukha ko ang screen ng cellphone niya.
  

“'Yan ang i-itsura ng ice bag. Ikuha mo na 'ko.”
 
“Ah, yung lagyanan ng yelo. Sige teka lang.”
  
  
Agad ako pumunta sa ref saka kumuha ng yelong nasa lagyanan na maliliit. Yung ice bah naman eh nasa taas lang ng lamesitang katabi ng ref.
   

Pagkuha ko ng yelong nasa ice bag na agad ko pinuntahan si Jaylen at ipinatong sa noo niya ang ice bag na dala ko.
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon